Ika-labing Siyam na Kabanata

602 31 5
                                    

"Good Afternoon po Mr. Principal" kinakabahan man pero bumati parin ako sakanila bago maupo sa harap nila ni Ms Irene.

Tahimik lang ako at wala pang nagsasalita sa amin

"So I conclude na you are aware of what you're doing here in my office" wika nito, hindi naman ito mukhang galit.

"Yes sir, before Ms Dismissed us she checked our bags and she saw a paper with answers on my bag" wika ko. Tumango ito

"Where did you get the answer sheets Ms. Acosta?"

"Sir I honestly don't know kung paano po kayo kukumbinsihin na maniwala sa akin because kahit ako ay nagtataka na merong ganung papel sa bag ko, hindi ako lumapit sa mga bags simula umaga nahawakan ko lang ang bag ko nung uwian na po"

"But Lily sa admin lang nakukuha ang ganung papel. That paper is an answer sheet sa sa science subject"

"Ms how many times do I have to tell you that, that paper is not mine, I don't even know where it came from ni hindi ko nga po nahawakan yan eh" sagot ko. Garalgal na ang boses ko dahil kanina ko pa pinipigilan umiyak.

"So what do you want to tell us? Na bigla nalang nagkaroon ng ganung paper sa bag mo?" Napapikit ako.

I can't believe this, bakit siya ganyan? Bakit parang alam na alam niya na lahat ng nangyari? Bakit ako ang pilit na idinidiin hindi naman ako ang may sala, biktima rin naman ako ah.

"Ms naiintindihan ko po kung saan kayo nanggagaling---" huminto ako para punasan ang mga luha na hindi ko na napigilan sa pagtulo.

"I know that you want the best for your students, pero Ms aamin ako pag ako nangdaya at nahuli ako. B-biktima lang din naman po ako dito" umiiyak na wika ko, umiwas ng tingin sa akin si Ms.

Hindi ko alam kung kumbinsido ba siya sa mga sinasabi ko o mas pinapaniwalaan niya talaga na nangdaya ako. 

"B-bakit po kayo ganyan? Ang taas taas po ng tingin ko sainyo, akala ko hindi kayo humuhusga ng basta basta dahil naranasan niyo kung paano husgahan ng wala naman kayong ginagawang kasalanan. Of all people kayo po yung nil-look up ko na hindi one sided sa ganitong sitwasyon, pero nagkamali ako katulad din pala kayo ng iba diyan" wika ko habang umiiyak.

"L-lily its not like that okay? Im just super disappointed with your actions. Mataas ang expectations ko sainyo/sayo pero ganito ang matutuklasan ko na ginawa mo, you think its fair to your classmates na nagreview mabuti na nagpursige para makapasa, Samantalang ikaw, magmememorize lang ng answers?"

Hindi na ako sumagot dahil alam kong kahit anong sabihin ko final na ang desisyon nila, na sa isip nila akin iyon at ako ang nangdaya. Sarado ang isip ni Ms at papaniwalaan niya lang ang gusto niyang paniwalaan.

Ang unfair. Napakadaya.

"Ms. Acosta sorry to say but may chance na mawala ang scholarship mo dahil dito" napalaki ang mata ko sa narinig kay Mr. Principal.

"Mataas ang tingin ko sayo dahil since you enter this school consistent ang pagiging honor student mo, pinapahalagahan mo ang scholarship mo. But with this kind of action? Hindi pwede ang ganyan sa mga scholars"

"B-but Sir, paano naman po yun? H-hindi naman po ako ang nangdaya ah. Ang unfair naman po ata" wika ko habang tuloy tuloy na umiiyak.

"Sir bigyan niyo po ako ng 2nd chance, papatunayan ko po sainyo na hindi ako nangdaya"

"Sir wag naman po yung scholarship ko oh. Sir baka naman mapaguusapan natin ito. W-wala po akong kasalanan" paulit ulit na wika ko habang humahagulgol.

Biglang may kumatok sa pinto at niluwa nun si Ma'am Yen at Ma'am Roda.

"Lily!" Wika nila at agad na lumapit sa akin at niyakap.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon