"Lily malapit na tayo hija" wika ni Sir Greggy
Inayos ko na ang buhok at ang sarili ko dahil ayaw ko namang humarap sa pamilya nila na hindi maayos tignan. Nakakahiya.
Ilang sandali pa ay huminto kami sa isang tapat ng malawak na property, dun ipinasok ni sir Greggy ang sasakyan binati pa nga ito ng dalawang guard.
Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan ang paligid, maraming halaman at puno. Parang resort ang napuntahan namin. Nang maipark ni sir Greggy ang sasakyan ay nakita ko na maraming sasakyan ang nakaparking rin. Sakanila ba itong lugar na ito?
"Welcome to our old House Lily" wika ni Ms. Irene habang nagpprepare ng mga gamit dahil anytime ay bababa na kami.
"Hala weh? Sainyo po ito? Ang ganda Ms" komento ko natawa namab siya.
"Sa daddy at mommy ko ito, everytime na may gatherings kami dito ginaganap palagi" tumango naman ako at manghang mangha parin sa nakikita.
Natanaw ko sa hindi kalayuan ang mga binatang nakaupo sa may mga bench at nagtatawanan.
"Halika na, ipapakilala kita sakanila" wika ni Ms. Sabay hawak sa kamay ko. Bigla naman akong kinabahan, aba hindi pala talaga pangkaraniwang pamilya meron sila.
"Ito po yung bahay niyo dati? Ms. Ang ganda ganda, ang lawak pa. Gusto ko po iyong design niya na parang makaluma pero may halong modern"
"Yeah, ang ibang parte nito ay di namin ginagalaw pero ang mga modern part na ay nirenovate na dahil sa katagalan. Pero Manang choose to make it Modern na makaluma dahil ayaw niyang mabago masyado ang desinyo ng bahay" tumango naman ako at ngumiti.
"Mamaya na ang chika tara na" wika ni Sir Greggy at naglakad kasabay namin habang hawak ang bag ni Ms Irene.
"They're here!" Rinig kong malakas na wika ng isa sa mga lalaki na nakaupo sa may bench.
Ang lawak talaga ng bahay nila, pati ang hardin ay nagsusumigaw ng karangyaan.
Ang mga lalaki ay lumapit sa amin at agad na binati sila Ms At Sir Greggy
"Mommy told us na baka malate kayo, mabuti at di kayo nalate tita" wika ng isang lalaking pinakamatangkad.
Mga pamangkin pala ito ni Ms, infairness may mga itsura sila. Mukha rin silang expensive dahil may accent ang mga salita nila.
"Yeah, mabuti nalang your Tito Greg came home early"
"Tita who is she?" Tanong naman nung pinakamaliit sakanila.
"Ah boys this is Lily, Lily these are my nephews. Borgy, Matt, Sandro, and Simon" pagpapakilala ni Ms sa amin
"Hi po, Im Lily. Masaya akong makilala kayo" nakangiting wika ko sakanila dahil ngiting ngiti naman silang nakatingin sa akin
"Kami rin, we are happy to meet you" wika nung isa.
"Where's Vincent and Michael?"
"Vincent's is still in Singapore tita, next month pa yun uuwi while Michael you know, busy. Attorney Life nga naman oh" sagot ni kuya Borgy ata yun.
"Why are we here, C'mon let's go inside" wika ni Sir Greggy kaya naman naglakad na kami palapit sa may harap ng bahay.
"Greggy Irene! You guys are kinda early huh" napalaki ang mata ko ng makita ang isang familliar na mukha ng isang lalaki na bumati at yumakap kila Ms.
Senator Bong Bong? Hala, kaano ano ni Ms si Senator?
"Kuya! Nice to see you again, finally after months of not seeing each other" wika ni Ms habang nakayakap kay Senator.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?