Ika-Dalawampu't siyam na Kabanata

559 33 9
                                    

"Lily! Ano ka ba kanina ka pa namin hinahanap andito ka lang pala. Halika na at tatawagin na si Ms" malakas na wika ni Jenny sa akin

"Sorry na nagutom ako eh" wika ko naman, hindi na ito sumagot at hinila nalang ako papunta ng room namin.

Pagkapasok namin ng room ay nakaayos na sa gilid ang mga upuan. May nakasulat sa board na "Thank You and We love you" may mga lobong nagkalat sa sahig at ang bouquet na nasa center table.

Maganda ang pagkakaayos ng lahat, talagang pinaghandaan dahil ito na ang huling araw namin sa school year na ito at bilang estudyante under ni Ms. Irene.

"Papunta na raw sila" wika ni Patricia kaya naman pinalinya na kami isa isa.

May mga hawak kaming red roses na isa isa naming ibibigay kay Ms. Pagdating niya.

"Sa huli tayo Jenny" wika ko kaya pumwesto kami sa Huli.

"What's happening here guys?" Wika ni Ms pagkarating niya, nagsihagikgikan kami at nang tumugtog na ang music ay isa isa nang nagbigay ng rosas.

"Hala may paganito kayo? Kayo ha" ngiting ngiting wika niya. Isa isa niyang hinahalikan sa pisngi ang mga kaklase ko na nakapila na nagbibigay ng rosas.

"Hala si Ms. Naiiyak na" pang aasar nila kaya nagsitawanan.

Nakangiti naman akong pinagmamasdan siya, tuwang tuwa ito at naiiyak na nga habang tinatanggap ang mga rosas.

Nagready na ako nang malapit na ang turn namin, ako ang pinakahuli at ang mga natapos ng magbigay ay pumasok na sa loob ng room para isurprise ulit siya sa setup.

"Ms roses for you po" mahinang wika ko at ngumiti sakanya.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung mapagdesisyonan kong lumayo na sakanila. May mga times na nagrreach out si Ms sa akin at sila Tita Imee pero sinasabi ko na busy ako para na rin walang gulo.

Ngayon ko lang ulit siya nalapitan ng ganito kalapit. Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit, rinig na rinig ko ang pagiyak nito habang nakayakap sakin.

"I miss you" mahinang wika niya, unti unti rin namang nagbasa ang mga mata ko pero pinipigilan ko na huwag umiyak dahil nakakahiya.

Miss na miss na rin kita Ms. Miss na miss ko na kayo.

"Ms tara na po sa loob? Naghihintay na po sila" wika ko para maiba ang usapan.

Sabay kaming naglakad papasok ng room at pagkapasok niya ay sabay sabay na sumigaw ang mga kaklase ko ng "We Love you Ms" na mas lalong nagpaiyak kay Ms.

Iyakin parin pala talaga.

Ibinigay na sakanya ang bouquet at pinaupo sa may gitna para makinig ng mga munting pasasalamat namin.

Isa isa ng nagsalita ang mga kaklase ko sa harapan, bawat tungtong sa harapan at bigay ng ng pasasalamat ay umiiyak, pati si jenny na di naman iyakin ay umiyak din.

"Ikaw na Lily, dalian mo" wika ni jenny sabay tulak sa akin sa harapan.

Ayoko sana, ayokong magsalita sa harap dahil alam kong wala akong gagawin dun kundi umiyak.

"Kaya mo yan" wika ni Jenny at iniwan ako sa harap.

"Hi Ms. Honestly I don't know what to say kasi wala naman akong plano na magsalita dito 'coz I know na iiyak lang ako, but I will try not to cry this time"

"At first I really don't want na mapalapit sa iyo or ayaw kong tanggapin ka as a new adviser namin kasi hindi ko tanggap na aalis si Mam Perez at may papalit sakanya. Mas lalong di kita nagustuhan nung unang week mo palang pinagalitan mo agad kami" wika ko sabay tawa.

"I don't know what happened but time goes by mas naging malapit ako sayo and I started not to only like you but To love you also. With all the teachers here I can say na naiiba ka. You are one of a kind, a very sweet adviser, but also a tiger when it comes to our acads. You are the best example that we should look up to because of your generosity, kind heart and a loving teacher"

"Ms Thank you, not only for being a good mother to us in school but for also making me feel completed even in a short period of time only. Salamat po dahil buong puso mo akong tinanggap at pinakilala sa pamilya mo, salamat po dahil sainyo naramdaman ko ulit na may pamilya at nanay ako. I know we're not that okay this past few months at alam ko na nagtatampo ka dahil dun but please understand our situation po. Ano man ang nangyari sa atin hindi po nagbago yung pagmamahal na meron ako sainyo. You will always have a place in my heart Ms. I love you" wika ko sabay punas ng mga luha na kanina pa tumutulo sa mukha ko.

Nang pabalik na ako sa upuan ko ay tumayo si Ms at ulit akong niyakap.

"Thank you also Lily, I love you so much anak" bulong niya. Ako na ang naunabg bumitaw sa yakap niya dahil baka maging marupok nanaman ako.

--------

"Let's go Lily dali" excited na wika ni Ma'am Perez at halos hilahin na ako sa sobrang pagmamadali

"Teka Ma'am san po ba tayo pupunta?"

"Edi syempre magcecelebrate. Aba hindi pwedeng di natin icelebrate yung Honor mo noh. Mababatukan kami ni Step niyan"

"Sus siya ang batukan natin at hanggang ngayon di pa umuuwi" wika ko natawa naman sila.

Naglalakad na kami papuntang parking at nakita namin sila Ms. Irene kasama si Tito Greggy at Venezia.

Mas matanda pala ako kay Zia dahil mas ahead ako ng grade sakanya. Mabuti nalang rin at di na ako nito ginugulo.

Lumapit sila sa amin at bumati sila ma'am sakanila

"Lily?" Rinig kong wika ni Tito Greggy

"Lily ikaw nga, how are you na hija? Long time no see, namiss ko na kadaldalan mo" wika nito kaya natawa ang mga Kasama namin except sa anak niyang maldita.

"Magandang umaga po Sir Greggy, mabuti po ako. Kayo po kamusta?"

"Sir? Naku naman di lang tayo nagkita ng matagal sir na tawag mo? Tito nalang, we are fine also. I heared isa ka sa nakatop sa section niyo. Irene is so proud of you and so we are. Congratulations hija" wika nito kaya napatingin ako kay Ms na kanina pa nakatingin sa akin. Nginitian ko lang ito.

"Salamat po Tito. Btw, mauuna na po kami may kailangan pa po kaming puntahan eh"

"Wait, baka you want to visit our house again? Wala naman na ikaw gagawin diba? Bakasyon na, our house is always open if you want to come there"

"Salamat po tito, titignan ko po muna. Mauuna na po kami. Ms, Venezia una na kami. Salamat po ulit" hinila ko na sila Ma'am para makaalis na kami agad

°°°°°°°

Blessed sunday everyone!

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon