"Tiya Helen ang lalim po ata ng iniisip niyo ha?" Tanong ko pagkalabas ko ng kwarto. Nakita ko kasi si Tiya na nakatulala habang nakatingin sa malayo
"Lily halika rito anak may sasabihin ako" wika niya at tinapik pa ang sofa sa tabi niya para tabihan ko.
Naglakad ako papalapit rito at tinabihan ko siya ng upo sa sofa.
"Kay aga aga po parang problemado kayo" biro ko.
"Ano ho ba yung sasabihin niyo?"
"Sa linggo na ang alis ko anak" malungkot na wika niya, nawala rin ang ngiti ko sa labi pero agad ko itong binalik.
"Eh bakit po malungkot kayo? Hindi po ba dapat masaya kayo?"
"Lily anak, sinabi ko naman na sayo na ayaw ko---"
"Tiya diba ho napagusapan na natin yan? Maaari naman po kayong magbakasyon dito yearly eh. Mas masaya dun tiya"
"Paano ka?" Seryosong wika nito. Natawa naman ako, kahit pa sa loob loob ko'y nalulungkot dahil magiging mag-isa nanaman ako.
"Tiya naman diba sabi ko ayos ako? Huwag niyo akong intindihin. Tatapusin ko ang school year na ito at babalik ho ako sa dating tinitirhan ko para hindi po boring, may makakausap parin ako" unti unti siyang tumango.
"Lily huwag na huwag ka ng rumaket raket ha. Ako na bahala sa allowance mo monthly papadalhan kita" wika niya
"Naku tiya huwag na ho---"
"Lily huwag matigas ang ulo, hayaan mo na ako dahil dito ako mapapanatag. Kahit dito lang pagbigyan mo ako" wika niya kaya wala na akong nagawa kundi tumango.
"Lily hija may sasabihin pa pala ako sayo anak"
"Ano ho iyon?"
Akmang magsasalita na ito nang magring ang cellphone niya. Tinignan namin ito at napatingin ako kay Tiya nang mabasa na si Tita Imee ang tumatawag.
Pansin ko lately palagi silang magkausap. Close ba sila? Ano naman ang pinaguusapan nila?
"Hello Ma'am?" Wika ni tiya pagkasagot ng tawag.
"Oho andito siya ngayon, sasabihin ko palang ho"
"Sige po walang anuman po, sabihan ko po kayo mamaya" wika niya sabay baba ng tawag.
"Si Tita Imee po iyon diba? Ano pong meron? Bakit palagi po kayong magkausap?"
"Tumingin sa akin si Tiya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba na hindi ko maipaliwanag
"Lily huwag ka sanang magalit sa akin anak" napakunot noo ako.
"Bakit naman po ako magagalit?"
"Lily may dapat kang malaman, gusto ko ng sabihin ito sayo pero napapangunahan ako ng takot at isa pa magulo ang lahat"
"Ano po ba iyon?"
Muling nagring ang phone ni tiya at sinagot niya iyon.
"Po? Hindi pa naman po"
"Sige sasabihan ko nalang siya"
"Ako na ang bahalang magpaliwanag kung sakali. Sige po" sabay baba ng tawag.
"Lily susunduin ka rito ni Senator bong bong mamaya. Iniimbitahan ka nila sa dinner" wika niya.
"Huh? Bakit naman daw po? Tiya ayoko, atsaka ano na po yung sasabihin niyo sana?"
"Pumunta ka lily, sila nalang ang magsasabi sayo" wika niya
"Pero tiya----"
"Pumunta ka lily, susunduin ka rito. Teka at ihahanda ko na ang almusal natin at nang makapasok ka na sa skwela" wika niya sabay alis.
![](https://img.wattpad.com/cover/323502271-288-k912897.jpg)
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?