"Magandang Umaga Nay Auring!" Masiglang bati ko pagkalabas ko ng bahay. Masyado pang maaga pero nakabihis na ako ng uniporme, aalis na ako dahil dadaan pa ako sa shop ni Kuya Macoy para ihatid lahat ng papel na inayos ko na prinint kagabi sa shop niya.
"Magandang Umaga Lily, Ang aga mo ata anak. Kumain ka na ba? Halika at kumain ka muna" wika ni nay Auring.
"Hindi na po Nay, busog pa po ako. Kinain ko po kasi kanina yung bigay kagabi ni kuya Macoy na burger"
"Ay teka hintayin mo ako rito at tikman mo iyong ginawang kakanin ng Ate Betty mo" wika niya at dali daling pumasok ng bahay nila, di nagtagal ay lumabas siya dala ang isang tupperware na may laman na pagkain.
"Ito kainin mo yan sabi ng Ate Betty mo, ikaw talagang bata ka lagi ka nalang nagpapalipas ng kain"
"Naku salamat po dito Nay, mauna na po ako ha marami rami pa po kasi akong ipprint kila Kuya Macoy" wika ko naman at agad na naglakad paalis.
Lahat ng mga kapitbahay namin na nadadaanan ko ay masigla kong binabati, nakasanayan ko na iyon kaya malapit ako sakanilang lahat.
Pagkarating ko sa shop ni Kuya Macoy ay binuksan ko na ito dahil nasa akin naman ang susi.
Inilapag ko ang mga papel na tapos ko ng iprint at iayos at nagtungo sa printer para ituloy ang mga di natapos na iprint kagabi.
Lagpas ala syete na ng matapos ko lahat sakto naman na dumating na rin si Kuya Macoy.
"Nako Lily pasensya ka na at nahuli ako, napasarap kasi ang tulog ko"
"Okay lang iyon kuya, tapos ko na rin po lahat. Naayos ko na at inilagay ko na rin ang mga pangalan para mabilis niyo nalang na ibigay pag kukunin"
"The best ka talaga Lily, heto dadagdagan ko na sweldo mo at masipag ka. Magiingat ka papuntang skwelahan ha? Dalian mo at baka malate ka" wika niya kaya ngumiti ako at nagpaalam na.
May labing limang minuto pa ako para makarating ng school, malayo layo pa ang lalakarin ko kaya naman tinakbo ko na ito, mahirap ng malate noh. Baka mabugahan nanaman ako ng apoy ni Ms. Irene, nakakatakot pa naman iyon kung magalit.
*Beep* *Beep* *Beep*
Napahinto ako sa gulat ng may bumusina na kotse sa gilid ko. Hinihingal akong lumingon sa sasakyan, unti-unting bumaba ang bintana nito at nakita ko si Ms. Irene na nagddrive.
Kung kasalanan ang maging maganda panigurado, nabubulok na ito sa kulungan.
"Lily Im talking to you!" Napabalikwas ako ng marinig ang malakas niyang tinig.
"Ay kabayo--- ano ulit yung Ms?" Napailing siya
"Sabi ko sumakay ka na para sabay na tayong pumasok. Malayo layo pa ang lalakarin mo oh"
"Ay hindi na po Ms. Keri ko na po ito, exercise rin hehe" nahihiyang wika ko.
Nagumpisa ng bumusina ang nasa likuran niyang kotse kaya nagmamadali na siya.
"Dali na Lily, mallate ka sige hindi kita papapasukin sa klase ko pag late ka" masungit na wika niya kaya napakamot ako ng ulo.
"Heto na nga po sasakay na sabi ko" wika ko at agad na binuksan ang pintuan ng kotse at sumakay.
Nagpatuloy siya sa pagdrive at nangingiti. Baliw na ata si Ms. Hindi kaya balak niya akong iligaw? Hala, baka ililigaw niya ako at ipapakain sa mga alaga niya? Kaawaan niyo po ako, marami pa akong pangarap sa buhay.
"Oh bakit mukha kang problemado diyan?"
"Wala po Ms. Hehehe" nailing nalang siya at nagpatuloy sa pagdrive.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?