"Lily anak? Lily buksan mo ang pinto" rinig kong wika sa labas ng bahay.
Si nanay Auring ata iyon.
Agad akong bumangon ng kama ko at inayos ng unti ang sarili bago buksan ang pintuan, tama nga ako si Nanay nga.
"Magandang Tanghali po nay" bati ko sakanya.
Tumingin ito sa akin saglit bago ngumiti. Inaya ko siyang pumasok muna sa loob.
"Tama nga ang Ma'am Perez mo, andito ka pa. Akala ko ay maaga ka lang pumasok sa skwela" wika niya, ngumiti ako ng unti.
"Hindi po ako pumasok, suspended po kasi ako" medyo nahihiya wika ko.
"Naikwento na sa akin ni Ma'am Perez ang nangyari, nag aalala ang Ma'am mo dahil di ka daw macontact kaya ako ang tinawagan"
"Lowbatt po ata cellphone ko eh, iccharge ko 'ho mamaya"
"Anak andito lang kami ha? Kung kailangan mo ng tulong lumapit ka sa amin. Naniniwala ako na wala kang kasalanan sa nangyari, may awa ang diyos anak at lalabas rin ang katotohanan" wika nito. Unti unti nanamang bumagsak ang mga luha ko, tumango ako kay Nanay at bigla niya akong niyakap.
"Nay natatakot po ako, paano nalang po kung matanggal ako sa scholar? Mahihinto po ako sa pag-aaral, ayaw ko po nay" iyak ko sakanya.
"Shhh hindi iyan anak, kung sakaling hindi ka nila paniwalaan at tinanggal ka nila tutulong ako para makapag-aral ka parin" wika nito.
"Alam kong ayaw mong tumatanggap ng tulong galing sa amin pero ngayon hayaan mong suklian namin lahat ng bagay na nagawa mo sa amin, marami kaming nasa tabi mo handa ka naming tulungan anak" napangiti naman ako sa sinabi niya, nakakataba lang ng puso na kahit hindi kami magkaano ano ay pamilya turing nila sa akin.
"Pinagdadasal ko nalang 'ho na sana mapatunayan na biktima rin ako" wika ko
Nagkwentuhan pa kami saglit at nakatulong ang paguusap namin ni Nanay para kahit papaano guminhawa ang nararamdaman ko.
"Oh dito ka lang ipagpapatuloy ko ang niluluto ko at hahatiran kita mamaya"
"Salamat po" wika ko.
Bumalik na ako sa kwarto ko at chinarge ang phone ko.
Marami rami ang messages at missed calls pagkaopen ko ng phone ko. Sila Jenny, Ma'am Yen, Ma'am Perez at Ma'am Roda at iba pa.
Walang Ms. Irene?
Napangiti ako ng mapait nang maalala ang mga maaanghang niyang salita tungkol sa akin. Ayaw ko siyang sisihin, at gusto ko siyang intindihin mabuti dahil nga may point siya paano mapupunta sa bag ko iyon pero bakit di niya ako magawang pakinggan? Bakit parang kumbinsido siya na ako ang gumawa nun.
Ilang saglit lang ay nagring na naman ang phone ko, si Ma'am Perez gustong makipagvideo call. Agad kong sinagot iyon at inoff ang camera para di niya ako makita.
"Lily! Jusko naman kanina pa kita tinatawagan" bungad niya. Kitang kita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya mukhang maraming iniisip
"Sorry Ma'am nakatulog po kasi ako eh, di ko na po naharap icharge ang phone ko" palusot ko. Huminga ito ng malalim.
"How are you?" Sincere na tanong nito na nagpatulo nanaman ng mga luha ko.
Ano ba 'toh, bakit palagi nalang akong umiiyak? Ang iyakin ko na, hindi na ito nakakaganda.
"Hey, can you please open your cam? I want to see you" nagpunas muna ako ng luha bago iopen ito.
"Umiiyak ka nanaman, nakarating na sa akin ang nangyari kahapon"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?