"Ma'am baka naman po pwede pa pong magawan ng paraan ma'am, kailangan ko pong mahabol yung grades ko para di po mawala yung scholarship ko" pagmamakaawa ko kay Ma'am Lanoza
Ipinakita niya sa amin isa isa ang mga grades na nacompute niya at dahil nga marami akong kulang dahil sa pagtransfer ko ay hindi gaanong kataas ang naging grado ko.
Hindi naman kailangan na maging top 1 ako pero may minemeet akong grades para di mawala ang scholarship ko.
"Ms Acosta, wala na akong magagawa mataas naman yun ah"
"Ma'am may usapan po kami sa mga nagscholar sa akin na I need to meet their expectations or else matatanggal ako" halos mangiyak na wika ko.
"Fine diba gusto mo makahabol? Total wala akong grade na naibigay sayo sa practicum, mag audition ka mamayang 3 para sa play na magaganap"
"Play po?"
"Yes, pupunta dito ang kabilang school para maghanap ng cast for musical play and I want you to join on that play"
"Pero ma'am--"
"No buts Ms Acosta, you will audition on that play or di ka mabibigyan ng grades sa practicum mo" wika niya sabay alis.
Napahinga nalang ako ng malalim at umupo sa may bench.
Play? Ano ba namang buhay toh oh, ang hirap maging mahirap.
----------
"Lilienne! Andito ka lang pala naku, kanina pa kita hinahanap" wika ni Alice pagkalapit sa akin.
"Anong meron? Kumain ka na ba? Heto oh may baon pa ako, gusto mo?" Alok ko sakanya pero tumanggi siya dahil katatapos niya din daw kumain.
"Bakit mo pala ako hinahanap?" Tanong ko.
"Eh kasi nakita ko si Ma'am Lanoza at hinahanap ka niya. Puntahan mo raw siya sa faculty at may sasabihin ito" wika niya.
"Ma'am Lanoza? Naku Alice, mauuna na ako at pupuntahan ko na si Ma'am. Usap tayo mamaya salamat pala ha" nagmamadali kong wika at tumakbo papuntang faculty.
Hinihingal pa ako pagkarating sa labas ng faculty room. Ano kayang sasabihin ni Ma'am? Sana naman nagrade-an na ako sa Practicum namin, aba napaaudition ako ng wala sa oras dahil diyan.
Nakakabigla pa dahil ang tinutukoy ni Ma'am na kabilang school ay ang dati kong school. Sila pala ang magllead ng musical play at naghahanap sila sa iba't ibang school ng mga cast na maaaring sumali sa play.
"Good Morning po, andiyan po si Ma'am Lanoza?" Wika ko sa isang staff, tinuro niya ang table ni Ma'am kaya nagpasalamat ako bago maglakad palapit kay Ma'am.
"Lilienne! Naku mabuti at dumating ka na kanina pa kita hinihintay" mukhang masayang wika nito.
"Ano pong meron ma'am?"
"Nabigyan na kita ng grade sa practicum mo"
"Talaga po? Salamat Ma'am ha, maraming salamat po"
"Pero may isa pa akong sasabihin"
"Ano po yun?"
"Tinawagan ako ng kanina nung nga nagpaaudition, school pala natin ang last na pinuntahan nila at nakumpleto na raw ang cast nila"
"Kumpleto na po? Edi maganda po, sino sino ba ang mga nakuha dito Ma'am? Naku ang galing galing po nung isang nagaudition yung babae na grade 7"
"Si Betty? Nakuha rin siya, kaya pumunta kayo sa sabado sa Civic Center ha" wika nito kaya napakunot ang noo ko.
"Kami? Bakit naman kasama ako ma'am?"
"Nakuha ka rin syempre, huwag kayong mawawala dun. Tatlo kayong nakuha nila kasama niyo si Aron" wika nito
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?