"Oh Lily nahuli ka ata ng gising anak" bungad ni Nay Auring sa akin pagkalabas ko ng bahay.
"Opo Nay eh, sige po mauuna na po ako dahil late na po ako sa klase, Magandang Umaga po" nagmamadaling wika ko at tumakbo papunta sa may labasan.
Sakto naman na may dumating na tricycle kaya sumakay ako.
"Manong pakibilisan naman po oh, late na po kasi ako" wika ko.
"Naku hija masisita tayo dahil may checkpoint na daraanan" wika nito kaya wala akong magawa kundi maghintay.
8:45 am na at malayo layo pa ako sa school, kung ba't ba naman kasi gaga akong mag alarm eh. 7:30 am dapat 7:30 pm ang naialarm ko sa sobrang antok ko.
Inopen ko muna ang phone ko at nakita ang maraming message ni Jenny.
Jenny:
Lily mauuna na ako sa school may daraanan pa kasi ako iyong pinapagawa naming uniform.
Lily saan ka na? Malapit na magtime.
Hoy gaga ka, asan ka na? Andito na si Ms. Mukhang badtrip ang lola mo
Lily hinahanap ka ni Ms sa akin wala akong maisagot, gagang toh. Asan ka na ba?
Nagstart na ang klase, wala mainit ang ulo ni Ms.
May mga missed call rin ito, minessage ko ito na papunta na ako pero di na nagreply mukhang busy sa klase.
Wrong timing pa ata akong malate.
Almost 9 na ng makarating ako sa school, dali dali akong tumakbo papasok pero hinarang pa ako ni Manong Guard.
"Lily ikaw pala, late ka na hala ka" natatawang wika nito
"Manong naman eh, mauna na po ako ha? Magandang umaga po" wika ko at tumakbo papuntang room.
Hingal na hingal akong huminto sa tapat ng room at saktong 9 na. Nakasarado na ang pintuan ng room at rinig na rinig ko ang boses ni Ms habang nagdidiscuss ito.
Mukha ngang badtrip.
Nawala ang hingal ko at kaba naman ang pumalit.
Unti unti kong pinihit ang door knob at pumasok, lahat sila ay napatingin sa akin lalo na si Ms na nakataas ang kilay.
"Ah G-good M-morning po Ms. S-sorry Im L-late po" kinakabahan na wika ko.
"Oh Ms. Acosta Good Morning" nakataas ang kilay na bati nito.
Paktay.
"Are you aware if what time is it?" Tumango ako
Hindi ko nagugustuhan ang attention na ibinibigay nila sa akin, lahat sila nakatingin at iba ang feeling ko. Nakakahiyaaa, gusto ko nalang lamunin ng lupa.
"9 po Ms" sagot ko at yumuko.
"9 am, at anong oras ang start ng class mo sakin?"
"8:30 po"
"Exactly! 8:30 Ms Acosta and not 9 am. So Why are you late huh?"
"S-sorry po---"
"I don't need your sorry Lillienne, I need an explanation. You know that I hate Late People, napagsabihan ko na kayo nun na pinapahalagahan niyo dapat ang oras sa bawat isa"
Si Ms. Kailangan daw ng expalanation pero di ako pinapatapos, parang sira.
"Nalate po kasi ako ng gising kasi naka-pm po pala alarm ko" ang ilan sa mga kaklase ko ay natawa dun, lalo na si jenny. Hayop na toh tatawanan pa ako. Mamaya ka sakin.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?