"Mang Jose naideliver ko na po lahat ng order, heto 'ho lahat ng bayad" wika ko sabay bigay kay Mang Jose nung wallet na pinaglagyan ng bayad.
"Teka lily ikaw ba'y nagmamadali? May pahabol kasing order eh maaari mo ba munang ihatid? Dadagdagan ko nalang ibibigay ko sayo" wika niya
"Sige 'ho wala rin naman po akong gagawin eh, saan at sino po ba yung nagorder?"
"Dun sa village lily, si Manang Estela diba kilala mo yun" natahimik naman ako.
"Hala naaalala ko po may gagawin pa po pala ako, akin na 'ho at iuutos ko nalang po kay tutoy at sakanya ibibigay iyong idadagdag niyo sa sahod ko"
"Ha? Akala ko ba wala kang gagawin?"
"Meron po pala"
"Ihatid mo muna saglit ito lily sayang naman. Wala si tutoy ngayon kaya wala kang uutusan" napahinga ako ng malalim at kinuha ang plastic na naglalaman ng order.
Paano ko ngayon ihahatid ito? Ayaw ko pa naman pumunta dun. Ano bang buhay ito oh, kung kailan umiiwas dun naman nagkakaroon ng dahilan para puntahan.
Dalawang linggo na simula nung birthday ni Tita Imee at nung umuwi sila Mommy Irene kasama ang mga anak niya. Simula nun ay hindi na kami nagkaroon ng oras na magkausap ng matino. Pag nasa school rin ay lumalayo ako ako dahil ayaw ko ng gulo.
Flashback: Tita Imee's Birthday
"C'mon Lily join us, Let's dance" wika ni Tita habang sumasabay sa paggewang ang kanyang balakang sa beat.
"Tita di ako marunong sumayaw, nakakahiya po"
"Naku basta sabayan mo lang beat, dibale maganda ka naman mabubuhat na ng ganda mo yung tigas ng katawan mo" biro niya pa kaya nagtawanan kami at sumayaw.
Lumapit sa amin ang mga Magpipinsang lalaki at nakisaya sa amin, sunod naman na lumapit sila Tito Bong, Tita Liza at Tito Rod at sumayaw rin
"Tita Imee upo muna po ako hinihingal na ako, ako po ba talaga yung bata satin? Ba't di ko maabot yung energy mo?" Wika ko tinawanan lang ako nito at hinatid sa may table namin sa gilid.
"Babalikan kita rito makikisaya muna ako" paalam niya kaya tumango ako.
Natutuwa ko silang pinagmamasdan na nagsasayawan, nawala ang ngiti ko sa labi nang makita si Mommy Irene na papalapit sa akin.
"Lily can we talk?"
"Pwede pong mamaya nalang after party? Di po kasi tayo masyadong magkakarinigan eh" Tumango ito
"Why don't you join them?"
"Naku po ang taas ng energy ng manang niyo, nauna pa po akong hingalin kaysa sakanya" wika ko sabay tawa natawa rin naman ito.
"Im happy to see you enjoying this party with my family" biglang wika nito kaya napatingin ako sakanya at ngumiti.
"Let's talk later huh? Ichecheck ko lang yung dessert babalikan kita" wika niya.
After nun ay hindi na siya nagpakita hanggang sa matapos ang party, tinanong ko siya kila Tita Imee pero sinabi nila na nauna na silang umuwi ni Venezia dahil sumama ang pakiramdam nito kaya sinamahan ni Mommy Irene.
-------
Three days after Imee's Birthday, At School:
"Class dismiss, Lily maiwan ka muna saglit" announce ni Ms kaya naiwan ako sa room
"Lily can we talk?"
"Ano po yun?"
"Im sorry kung di tayo nakapagusap nung birthday ni Manang, nauna na kasi kaming umuwi dahil---"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?