Ikawalong Kabanata

739 37 8
                                    

"How are you there? Yen said na parati ka raw nagpapalipas ng kain" wika ni Ma'am Perez, ala-sais pa lang ng umaga ng tumawag siya sa akin sakto naman na maaga akong nagising kaya nasagot ko.

"Luh si Ma'am Yen sumbungera, eh nagmamadali kasi ako Ma'am kaya naman di ako nakakain nun" sagot ko habang inilalagay ang fried rice na niluto ko sa kanin.

"Tignan mo nga oh kakain nanaman ako, kaya wag kang mag-alala diyan di ko pinapabayaan sarili ko dito" wika ko naman at tinutok pa ang camera sa almusal ko.

Naupo na ako at hinarap ang phone sa akin, nakahiga sa kama si Ma'am ngayon at mukhang magpapahinga na. 12 hours daw ata kasi ang pagitan ng oras sa Pinas at ng Canada.

"May lakad ka? O raraket ka nanaman, lily bawas-bawasan mo ang raket na napakarami anak. Huwag mong pagodin ang sarili mo, kung may kailangan ka andito naman ako" napangiti ako dahil dun.

Ang ganda talaga ni Ma'am Perez, kahit medyo madilim na sa lugar niya dahil nakadim lights ang ilaw niya ay litaw parin ang kagandahan nito.

"Ma'am kaya ko naman po sarili ko, atsaka paisa isa na lang mga raket ko noh. Atsaka kung may kailangan man po ako pagiipunan ko iyon, masyado ka ng maraming naitulong sa akin" wika ko sabay subo ng pagkain.

Rinig ko ang pagsinghap niya.

"Lily ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka na iba sa akin kaya kalimutan mo na lahat ng nagawa ko para sayo, eh ano ba naman kung tulungan kita? Eh anak naman na turing ko sayo"

"Alam ko naman po iyon pero hangga't kaya ko pa ikakayod ko, aba baka magsawa ka sakin kakahingi ko ng tulong noh" natawa naman siya sa akin

"Sa tingin mo ako magsasawa sayo? Never Lily, kung pwede lang kitang dalhin dito sa Canada ginawa ko na"

"Sus miss mo na ako noh? Oo na Missyoutoo" parang napipilitang wika ko kaya inirapan niya ako.

"Saan ka ba kasi pupunta?"

"Kila Ma'am Irene po"

"Really? Anong gagawin mo ron? Close na kayo? Kamusta naman siya as a adviser?"

"Hala teka isa isa lang mahina kalaban"

"Hindi ko rin po alam ang gagawin ko dun, basta pinapapunta niya ako. Mabait naman si Ms. Irene nakakaintimidate nga lang po kapag malapit sakanya ganun, strikta siya sa klase ilang beses na akong napagalitan nun"

"Totoo? Bakit?" Chismosa rin itong si Ma'am eh.

"Nalate kami hehe, ayaw na ayaw kasi nun ang late sobrang strikto sa oras. Pero humingi naman siya ng sorry"

"Kasalanan mo rin kasi, Close na pero kayo at pinapapunta ka niya sa bahay niya ng di mo alam ang gagawin dun?

"Close ba kami? Medyo? Parang mas close ko pa nga asawa niya eh, grabe Ma'am napakabait nilang dalawa tapos nakakalog ni Sir Greggy" ngiting ngiti kong kwento.

"Im happy to see you smiling while talking about them, nakikita ko na masaya ka dahil nakatagpo ka ng mga bagong tao sa buhay mo na kahit papaano magpapasaya sayo" seryosong wika niya habang nakangiti kaya ngumiti rin ako.

"Wala paring tatalo sayo teptep ko, marami man akong makilala sa buhay ko na magiging malapit sa akin asahan mo na ikaw parin pinakaspecial sa lahat"

"Huwag mo akong pinapaiyak Lily, gusto ko na tuloy umuwi at ihug ka ng mahigpit"

"Sus miss mo lang ako sobra teptep eh, magpahinga ka na at mukhang pagod ka. Salamat sa oras mo at di ka nakakalimot"

"Wala yun ano ka ba, di rin complete araw ko pag di kita nakausap"

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon