Ika-apatnapung Kabanata

752 37 23
                                    

-IMEE-

"Doc gawin niyo po ang lahat para mailigtas si Lily. Nagmamakaawa po ako sainyo Doc" Umiiyak na wika ni Helen habang hawak ang kamay ng doctor.

"Doc we're willing to pay kahit ilan pa iyan iligtas niyo lang 'ho ang buhay ni Lily. Please Doc" wika rin ni Bonget habang bakas sa mukha nito ang takot at pangamba.

"We will do our best to save the patient po, for now you need to wait us here and pray for the patient" wika ni Doc at nagpaalam na para pumasok ng OR kung saan naroon na si Lily.

Naiwan kami sa labas at tanging mga hikbi at hagulgol lang ang maririnig. Walang nagsasalita sa amin, nakatingin lang kami sa malayo at lahat ay tahimik.

"Pupunta 'ho muna ako ng chapel para ipagdasal si Lily" wika ni Helen kaya napatingin kami sakanya.

"Sasama ako" sabay na wika namin ni Bonget, tumango ito at naglakad na kami papuntang chapel.

Nang makarating kami sa chapel ay taimtim kaming nagdasal para sa kaligtasan ni Lily.

"Helen magpahinga ka muna, kami na ang bahala rito" wika ni bonget

"Kaya ko pa naman po Senator. Nais ko pong hintayin na lumabas ang doctor at sabihing maayos na si Lily"

"Helen, maaari ka ba naming makausap mamaya tungkol sa sinabi mo kanina?" Tanong ko, tumango naman ito kahit mukhang nag-aalangan siya.

Naglalakad na kami papunta sa may malapit sa OR nang makita namin ang ilang kapulisan na papalapit. Bumati ang mga ito sa amin at hinarap si Helen.

"Ma'am sigurado 'ho ba kayong ito lang ang mga papel na nakalap ni Eduardo?" Tanong nila, umiling si Helen at agad na kinuha ang isa pang envelope sa bag niya

"Sinadya ko na kulang ang ibigay sakanila para may natitira akong hawak na ebidensya. Nais kong bigyan ng katarungan ang pagkawala ng kapatid ko at siguro ito na ang tamang oras pagkatapos ng mahabang panahon na pananahimik" wika niya.

"Malaking tulong ito Ma'am. Huwag kayong mag-alala sisiguraduhin namin na mabibigyan hustisya ang kapatid niyo sa lalong madaling panahon"

"How's the kidnappers Sir?"

"Nadakip na sila Senator. Dalawa sakanila ay nabawian ng buhay, iyon yung mga nakabaril sa batang babae. Kinakailangan nalang namin iproseso ang mga ebidensya para mahuli na rin ang mga nasa itaas na sangkot sa krimeng ito" wika ng pulis kaya napatango kami.

Nagpasalamat kami rito at hindi nagtagal ay nagpaalam na rin siya. Pinilit na rin namin si Helen na magpahinga muna kaya pinahatid muna namin ito sa lumang bahay nila kung saan halos kalahating oras ang biyahe hanggang rito.

Naiwan kaming dalawa ni bonget sa labas ng OR at naghihintay sa paglabas ni Doc.

"Manang?" Mahinang tawag ni Bonget.

"Hmm?"

"Do you think Helen is telling the truth?"

"Bonget alam mong kahit ako naghihinala tungkol kay Lily simula malaman ko na si Eduardo ang tatay niya. Sinabi ko iyon sayo, ngayon kung ampon nila si Lily malaki ang chance na siya si Vianne" wika ko.

"Paano kung makausap na natin si Helen tungkol dito? Sasabihin ba natin kay Irene ang totoo?"

"Hindi ko rin alam Bonget, kanina ko pa iniisip iyan"

"Manang magulo na ang sitwasyon at alam kong mas gugulo pa ito kung ipagtapat na ni Helen kay Lily ang totoo. Idagdag mo pa yung hindi pa sila okay na dalawa"

Inakbayan ko si bonget at sumandal ako sa balikat nito. Parang nakaramdam ako bigla ng pagod, iniisip ko palang ang mas magulong sitwasyon namin pag nagkaalaman na parang di ko na kakayanin.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon