Ika-animnapu't walong Kabanata

767 50 35
                                    

"Hindi ka man lang ba mageexplain kung bakit ginabi ka?" Wika ni mommy na nagpahinto sa akin sa paglalakad sa hagdan patungong kwarto.

"Pasensiya na po kung ginabi ako, may binili pa po kasi ako sa bookstore at may dinaanan po" mahinahong wika ko.

"You should have told us para naman di kami nagaalala"

"Nalowbatt po ako, sorry po" rinig na rinig ko ang malalim na paghinga niya

Mukhang nagpipigil atang magalit.

"Next time huwag mong hahayaan na malowbatt ang phone mo anak" wika ni daddy kaya tumango ako.

"You go na sa kwarto mo, take a rest goodnight" wika naman ni mommy kaya tumango ako at naglakad na patungong kwarto.

---------

-IRENE-

"You looked so busy my dear sister" Rinig kong wika habang nakaharap ako sa marami-raming papel at laptop ko.

Lumingon ako at nakita si Manang na papasok sa Office dito sa bahay kung saan ako nagtatrabaho ng mga papel papel sa school.

"Today is saturday pero daig mo pa ang nagoovertime sa ginagawa mo ngayon" biro niya at lumapit sa akin para bumeso

"I need to rush this manang, kailangan na to sa monday eh" sagot ko naman habang nagrerecord ng mga scores sa laptop ko.

"Mabuti at nakadalaw ka pala manang"

"Yeah, was about to go to Davao but Rod needs to go to Cebu for some matter kaya di na ako tumuloy"

"Nasaan ang mga anak mo?"

"Hay naku Manang Alfie is still in Singapore, Si luis naman ay nandun kila Mama Meldy, Maaga namang umalis si Zia dahil awarding daw ngayon sa division while Lily lumabas saglit sinamahan si Manang Estela na maggrocery" sagot ko habang patuloy sa ginagawa.

"Napakabusy naman ng mga anak mo Irene, teka okay na ba kayo niyang si Lily ha?" Napatingin ako kay Manang at napasandal sa swivel chair.

"I honestly don't know manang, sobrang haba na ng pasensiya na meron ako. Alam mo bang sobrang alala namin ni Greggy diyan kagabi dahil anong oras na wala pa, hindi rin matawagan nalowbatt daw"

"Eh san daw galing?"

"May binili daw at dinaanan eh, gusto ko ngang pagalitan kaso wag na baka madagdagan nanaman yung tampuhan namin"

"Naku Irene ayusin niyo na yan, pag ito nalaman ni mommy malalagot kayo dun" napahinga nalang ako ng malalim at umiling.

"Nga pala yung bracelet pala na tinutukoy ko sayo na nakita ko kay Lily, nahanap ko na" wika niya

"Really good for you manang"

"I wonder kung nasaan iyon o kung kanino niya binigay, may napapansin ka bang suot niyang bracelet na gold? Just curios lang mahal kasi eh"

Napakunot ang noo ko naman at ulit na tumingin sakanya.

"Gold? Wala naman Manang, puro yang bracelet nalang bukambibig mo manang"

"Eh paano ba naman kasi Kilala ko iyang anak mo noh, kuripot pa yan sa Kuripot kaya I wonder kung sinong special na tao ang gagastusan niya ng 37k noh"

"What? Anong sabi mo?"

"I said I wonder kung sino---"

"The price manang, can you repeat it?"

"37k yung bracelet, ay hindi ko ba nasabi noon?"

"Ang mahal nga, baka naman gift niya for herself"

"Ewan ko rin, ang akala ko nga ibibigay sayo eh"

"Hayaan nalang natin Manang total pera niya naman yun"

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon