"Irene natawagan mo na ba yung mga magulang ng mga batang iyan ha? Baka nag aalala na ang mga iyon" wika ni Manang habang kavideo call ko siya
Mag aalas dos na ng madaling araw at di pa rin ako makatulog. Nang matapos kaming magusap ni Jenny ay hinatid ko na siya sa kwarto nila ni Lily dahil halatang dinalaw na ito ng antok.
Pagkahatid ko sakanya ay bumalik ako sa kusina para kumuha ng wine, anong oras na di parin ako dinadalaw ng antok. Sakto naman na tumawag si Manang sa akin nabanggit pala sakanya ni Bonget ang tungkol kila Lily.
"Yes Manang, I already sent them a message na nandito ang mga bata. Mabuti nalang at may mga contacts pa ako sakanila. What about Helen? Nasabihan mo na?" Wika ko sabay sip sa wine.
"Oo bago kita tawagan ay sinabihan ko na si Helen, ayun nga at nakahinga raw ng maluwag dahil hindi pala nagpaalam na aabutin ito ng hatinggabi" wika ni Manang sabay hinga ng malalim.
"Bakit ba daw kasi sila naginom ha? They are still minors for pete's sake! Pinagsabihan mo na ba? Naku pag ako nakakita sa mga yan lagot sila sakin"
"Chill Manang, nakausap ko na si Jenny at napagsabihan. Tulog na si Lily at mukhang pati ang dalawang boys ay tulog na rin"
"Delikado yung ginagawa nila, what if napaaway sila ha? What if nalasing sila at umuwi? Myghad, andaming naaaksidente ngayon na dahil nakainom ang driver"
Hinayaan ko nalang si Manang na magrant dahil alam ko naman na mali din talaga ang ginawa nila Lily.
"Sabi ni Bonget ay nakatulog na daw sa likod ng kotse si Lily, madami siguro yun na ininom"
"Manang calm down, pagsasabihan ko silang apat bukas"
"Dapat lang Irene, hindi pwede yung ganyang gawain"
"Dadalaw ako riyan bukas"
"Baka naman pagdating mo pagsasabihan mo agad sila"
"Hindi, gusto ko lang makita si Lily. Miss na miss ko na ang batang iyon, ipapaubaya ko na sayo ang pagsabihan ang mga bata"
"Manang awang awa na ako sa anak ko. Kitang kita ko kung gaano kabigat yung problemang bitbit niya. Pumayat nga yung bata eh, manang gustong gusto ko na siyang yakapin kanina pero hindi ko kaya dahil nag-guilty ako"
"Irene hindi pa tayo okay nung bata, nay hinanakit pa iyon sa atin kaya hindi natin pwedeng bastang sabihin ang totoo kaya dapat dahan dahanin natin"
Tumango ako, tama si Manang.
"Nabanggit ni Jenny na gusto niyang hanapin ang totoo niyang pamilya at willing si Steph na tulungan ito"
"Do you think its better if tayo ang magsasabi ng totoo?"
"I don't know manang, Lily has a lot of problems and I know di niya kakayanin na malaman ngayon ang katotohanan"
"You're right, this is not the right time Irene. Kailangan muna nating mapalapit ulit sa bata"
"Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano yan kahirap, andito kami palagi tutulungan ka namin"
"Salamat Manang"
---------
"Ms? You're so early po. Btw, Good Morning" rinig kong wika kaya napalingon ako, nakita ko sila Rico at Dave Del Valle na mukhang kakagising.
"Good Morning boys, ang aga niyo rin"
"We're about to prepare food for you pambawi po sa kasalanan namin hihi"
"I honestly don't like the idea of you guys drinking at young age, nasa public pa kaya please don't do it again" wika ko tumango naman sila
"Mabuti at ako ang nakakita sainyo naku, delikado kaya uminom ang mga ganyang edad sa public. Paano kung napagtripan kayo or what"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?