"Lily ano? G ka na ba bukas? Susunduin na ba kita diyan mamaya?" Bungad na tanong ni Tito bong sa akin pagkasagot ko ng tawag niya.
Mag-iisang buwan na simula nang makalabas ako ng hospital ,naging maayos na ang kalagayan ko at nakabalik na rin ako sa skwela. Palagi na rin akong kinakamusta ni Tiya Helen na minsan pa'y dumadalaw pa rito sa bahay.
Simula rin nung nahospital ako ay napansin ko na mas napalapit ang loob sa akin ng mga Marcos lalo na si Tita Imee at Tito Bong. Palagi nila akong kinakamusta at inaaya na kumain sa labas o kahit saan man na lugar. Si Ms. Irene naman ay paminsan minsan ko lang siya nakakausap, minsan sa school pag makakasalubong ko siya o di kaya naman minsan ay tatawag ito sa akin pero saglit lang. Sa tingin ko'y hindi parin okay kay Zia na maging malapit kami, naiintindihan ko naman.
Well, mommy niya naman yun may karapatan siyang ipagdamot ito sa lahat.
"Naku Tito baka po pass ako diyan, bukas po kasi Flight ni Ma'am Steph. Ihahatid po namin siya sa airport" wika ko.
"Ganun ba? Sayang naman, excited pa naman si Manang na makasama ka ulit namin na magouting"
"Babawi nalang po ako sa susunod tito"
"Sabi mo yan ah? Ingat kayo bukas"
"Kayo rin po Tito" wika ko at nagpaalam na bago ibaba ang tawag.
------
"Lily nasa labas si Ms. Irene hinahanap ka" bulong ni Jenny pagkalapit sa akin habang nasa room kami at handa ng kumain ng lunch
"Talaga? Bakit raw?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko rin alam eh, labasin mo nalang naghihintay siya" wika nito kaya tumango ako at lumabas na ng room
Nakita ko si Ms. Na nakaupo sa may bench malapit sa labas ng room namin kaya nilapitan ko ito.
"Ms. Hanap niyo raw po ako?"
"Ah yes lily, I just want to gave you this" wika niya at inabot sa akin ang isang paper bag.
"Para saan po ito?"
"Wala lang, hindi ka kasi nakasama sa amin sa outing kaya I bought you some pasalubong. I hope you like it"
"Salamat po Ms"
"Nga pala Manang said na she will fetch you here later, dinner daw kayo with Bonget"
"Ah opo nabanggit na rin po sa akin yan, salamat po ulit Ms ha"
"Naku ayan ka nanaman sa maraming thank you" reklamo niya kaya natawa ako.
"Ah miss naglunch ka na po? Baka you want to joi----"
"Hala oo nga pala lunch time na nakalimutan ko na I need to go to Zia. Call me kung may kailangan ka okay? Bye hija" nagmamadaling wika nito at patakbong umalis. Napahinga naman ako ng malalim dahil dun at naglakad na pabalik ng room para kumain.
Nang last subject na namin ay tumunog ang phone ko, may new message
Tita Imee:
Lily hija sorry I can't fetch you today, busy sa work ang tita mo eh. Babawi ako bukas or sa friday okay? I love you.
Napangiti naman ako pagkabasa ko, Tita Imee always make sure na hindi ako magtatampo kahit hindi niya minsan natutupad ang mga naset na gala namin. Nagtype ako ng reply at inoff ko na ang phone ko dahil palowbatt na rin ito.
Napagpasyahan ko na dumaan nalang muna sa room nila Ma'am Irene bago umuwi pero nalaman ko na may meeting pala sila sa department nila kaya naman naghintay nalang ako sa Bench na malapit sa court.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?