"Oh Lily Good Morning hija, halika pasok ka" wika ni Tito greggy at pinagbuksan ako ng gate.
"Magandang umaga po Tito Greggy"
"Hindi pa tapos mag ayos si Irene pero mamaya maya ay bababa na iyon. Kung gusto mo puntahan mo nalang sa kwarto" wika nito habang naglalakad kami papasok ng bahay nila.
"Hihintayin ko nalang po rito Tito"
"Sure ka?"
"Opo" wika ko at naupo sa may couch.
"Kumain ka na? Halika makisalo ka na sa amin" wika niya. Tumango naman ako at nagtungo kami sa Dining.
"Teka at tatawagin ko lang nanay mo" wika nito at naglakad paalis.
"Manang Estela? Andito na po pala kayo, magandang umaga po. Namiss po kita" masaya bati ko kay Manang nang makita siyang papasok sa Dining para maghain
"Naku Lily, namiss rin kitang bata ka. Kamusta ka na? Mabuti at dumadalaw dalaw ka parin dito"
"Oo naman po, tulungan ko na po kayong maghain" wika ko at wala ng nagawa si Manang kundi umoo sa akin para tulungan siya.
"Lily anak! Good Morning sweetie" masayang bati ni Mommy Irene.
"Mommy! Good Morning po, nukz ganda ganda mo naman po" wika ko pagkatapos siyang yakapin.
"Bolera ka, gutom lang yan halika na at kumain na tayo"
--------
"Anak do you think Manang will like this one?" Tanong ni mommy habang hawak ang isang bracelet.
"Maganda ma for sure magugustuhan yan ni Tita Imee" wika ko naman.
"Okay let's get this one at mamili pa tayo ng ibang ibibigay sakanya"
"Hindi po ba next month pa birthday ni Tita Imee, ang generous mo naman po Ms at ang aga mong mamili ng gift" biro ko.
"Hay naku kung malaman mo lang kung gaano ka mas generous yang si Manang" wika nito at inakbayan na ako habang naglalakad kami papuntang cashier.
Nang nagbabayad na siya ay may lumapit sa aming dalawang babae. Nagtuturuan pa sila kung sino ang magaapproach kay Mommy
"Ma I think they want to take a picture with you" wika ko at natuon nga ang atensyon ni Mommy sa dalawa.
"H-hi po Ms. Irene"
"Magandang araw po"
"Hello girls"
"P-pwede po papicture?" Nahihiya nilang wika, nang tumango si mommy ay agad silang lumapit sakanya at kinikilig kilig pa.
"Ako na po kukuha ng picture sainyo" wika ko, agad naman nilang binigay yung phone sa akin at kinuhanan ko na sila ng litrato.
"Thank you po Ms Irene, and thank you sa pagkuha ng pic samin" pasalamat nila sa aming dalawa.
"You're welcome girls" wika ni Ms
Ngiting ngiti silang nagpaalam sa amin kaya naman napangiti din ako. Ang genuine lang ng saya nila, kahit ganung bagay lang.
"Sikat ka na ma, paautograph po tas papicture din" biro ko
"Sira! Tara na sa ibang store" wika niya at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad palabas.
Nagpunta pa kami sa ilang store at may mga nabili naman kami. Nang mapagod kami ay nag-aya na siya na kumain sa isang restaurant.
"And then you know what she did when Bonget pulled her hair?" Kwento ni Mommy habang kumakain kami.
"Tinignan niya ng masama si Bonget tas bibigyan ng time para tumakbo at ayun hanggang labas ng bahay malilibot nila sa paghahabulan" natatawang kwento ni Mommy
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?