"Good Morning Dad, asan na sila Mommy and Zia?" Wika ko pagkapasok sa Dining
Nadatnan ko si daddy na may binabasang papel habang nagccoffee.
"Hindi ba nagpaalam sayo? Maaga silang umalis ni Zia at marami raw itong hinahabol na requirements habang si Zia naman maaga ang training" sagot nito na parang nagdadamdam. Natawa naman ako ng mahina.
Sus marami raw aasikasuhin pero ang totoo aasikasuhin para isurprise ang lolo niyo Greggy. Father's day kasi ngayon at nasa plano na huwag muna siyang batiin.
"Ganun po ba? Kumain na ho tayo at maaga rin po akong papasok" wika ko at nagsimula nang kumain. Huminto na rin sa pagbabasa si Daddy at kumain na rin.
Pagkatapos naming kumain ay sumakay na agad kami ng sasakyan at nagdrive na si dad patungong school ko.
Tahimik lang ako sa sasakyan at itong si daddy ay kung ano ano ang kinikwento at tinatanong.
"Wala ba kayong naaalala ngayon?"
"Wala naman dad, ano po bang meron?" Wika ko at nagpipigil na ng tawa dahil mukhang dismayado na ang mukha niya.
Inabot kami ng mahigit kalahating oras sa sasakyan bago makarating sa school
"Thanks dad, ingat po sa pagdrive" wika ko at humalik sakanya bago bumaba ng sasakyan at naglakad papasok.
"Lilienne!" Rinig ko boses habang naglalakad ako sa may quadrangle, lumingon ako at nakita si Alice na kaklase ko.
"Oh Alice magandang umaga" bati ko
"Good Morning din, mukhang maganda gising mo ah"
"Medyo lang, kakarating mo lang rin?"
"Hindi, galing ako sa office kasi may announcement na walang pasok mamayang hapon dahil may urgent meeting ang mga staff and teachers" wika niya kaya naman napalingon ako sakanya.
"Totoo walang pasok mamaya?"
"Oo, may gala ka nanaman noh? Sayang aayain ka sana namin pumasyal kila Eya eh"
"Naku pasensiya na Alice palagi kasing natataon na may mga gagawin ako eh, sa susunod babawi talaga ako" wika ko tumango naman ito at ngumiti.
----------
"Lily where are you na? Nasa labas na kami ng school mo, antagal mo" reklamo ni Kuya Luis sa telepono kaya natawa ako.
"Oo eto na kuya tinatakbo ko na nga palabas eh" wika ko naman sabay end call ng tawag.
Agad kong nakita ang sasakyan ni Kuya Luis kaya naman tinungo ko na ito. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan kaya naman napangiti ako, kahit anong inis niya talaga di parin nawawala pagkagentleman nito.
"Hi there Lily, miss you" narinig kong wika kaya napalingon ako.
Gulat kong tinignan si Ate Xandra at agad itong niyakap.
"Hala ate namiss kita, kailan ka pa po nakauwi?"
"Kahapon na isa lily, how are you na?"
"Mabuti naman po, mas lalo ka pong gumanda ate. Nakakaganda ba talaga pag galing sa ibang bansa?"
Bigla naman silang tumawa ni Kuya Luis.
"Sasama ka po sa bahay ate?"
"Sad to say but no eh, may work ako ngayon"
"Naku sayang naman po ate"
"Ill make bawi next time, yung mga pasalubong niyo pala nasa kuya mo na"
"Salamat po ate"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
Hayran KurguSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?
