-IMEE-
"Ma'am ayaw na 'hong magpakita nung bata sainyo, ayaw niya rin hong kunin ang selpon para makausap kayo" wika ni helen sa telepono.
"Helen please, I just want to talk to her. To hear her voice. Gusto ko lang siguraduhin na maayos siya" pakiusap ko.
"Maam maayos na ho ang bata, wala kayong dapat ipagalala ako na po ang bahala"
"Helen naman, please give it a try. I need to talk to her, we need to see her" halos maiyak na pakiusap ko
"Pasensya na Ma'am pero sa ngayon ayaw pa ho nung bata, hayaan niyo at kung naging okay na ito ako mismo tatawag sainyo. Mauna na ho ako at marami pa po kaming gagawin" wika nito sabay baba ng tawag.
Napatingin ako kila Bonget na nakatingin sa akin na nag-aabang ng balita.
"Anong sabi manang?" Tanong ni bong. Umiling ako at yumuko, kusa ng tumulo ang mga luha ko.
"Ayaw niyang kunin ang cellphone kay helen, ayaw niya tayong makausap bonget" naramdaman ko ang kamay ni bonget sa likuran ko at cinomfort ako.
"Kung bakit ba naman kasi pinagtulungan siya nung gabing iyon, we should have handle that situation carefully. Bakit iniwan natin siya at lahat sumama sa hospital?" Wika ko sabay iyak.
"Shhh manang tahan na. Hintayin nalang nating magpalamig si Lily, kakausapin rin tayo nun"
-------
-IRENE-
"Ma'am Jho Good Morning"
"Oh Ma'am Irene Good Morning too"
"Just want to ask if Lily is there? Can I talk to her for a while Ma'am?"
"Lily? Si Lilienne po noh? Naku Ma'am simula lunes hindi na siya pumasok and then kahapon pumunta si Ma'am Yen at Ma'am Roda dito kinuha yung card niya and other requirements sa pagtransfer" sagot nito. Napakunot noo naman ako.
"Transfer? Ng school?" Tumango ito.
"Opo Ma'am, yun ang sabi nila Ma'am Yen nung kinuha nila yung papers ni Lily eh" tumango naman ako at ngumiti bago magpaalam.
Habang naglalakad ako pabalik sa room ko ay nakasalubong ko sila Jenny kasama ang mga kaibigan nito na sila Del Valle, wala si Lily.
"Good Morning Ms" bati nila except kay Jenny.
"Ahm jenny can we talk?" Tanong ko
"About what ms?"
"About Lily"
"Nagtransfer na 'ho si Lily Ms, ano pa po sa tingin niyo ang dapat nating pagusapan tungkol sa kaibigan ko na paulit ulit niyong sinasaktan? Ms hayaan niyo na si Lily, nagtransfer na nga po yung kaibigan ko para sa ikakatahimik niyong mag-ina rito eh" puno ng sama ng loob na wika ni jenny.
Maluha luha ito at hinawakan ni del valle ang balikat nito para pakalmahin
"Ang bait bait ni Lily sainyo, wala yun ginawa kundi isipin ang ikakasaya ninyo kahit nasasaktan siya ayos lang basta okay kayo. Ni hindi niya kayo kadugo pero kung pahalagahan niya kayo sobra sobra. Akala niyo po ba Ms hindi ko alam yung ginawa niyo sakanya dahilan ng tuluyan niyang paglayo dito ha?" Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ni Jenny, tahimik naman ang mga kasama nito at nakayuko lang habang ako ay nakikinig lang dahil tama naman lahat ng sinasabi nito.
"Ms magang maga yung magkabilang pisngi nung kaibigan ko nung gabing iyon, gabing gabi Ms ng umiiyak siyang nakarating sa bahay. Ayaw niya pang magkwento kung anong nangyari pero alam kong tungkol yun sainyo dahil kayo lang naman ang nakakagawa ng ganun sakanya. Sinacrifice niya yung unang tahanan niya para sa ikakatahimik niyo, ditong school niya gustong maggraduate ng highschool pero dahil sainyo mas pinili niyang lumipat"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?