"Lily? Hey!" Agad akong nabalik sa realidad nang pitikin ni Ma'am Yen ang noo ko.
"Aray naman Ma'am" reklamo ko sabay hawak sa noo ko.
"Kanina pa kasi ako nagsasalita pero tulala ka diyan, ano bang iniisip mo? At nakakalunod sa lalim?"
"Ma'am what if lumayo nalang ako rito?" Napakunot noo naman siya
"Lalayo? Bakit? Dahil ba toh kay Ma'am Irene mo? Lily nagusap na kayo, hindi ka na nga nilalapitan ni Zia ---"
"Ma'am its not about that" wika ko.
"Eh ano?"
Ikwinento ko sakanya ang tungkol sa lalaking gustong mangalap ng impormasyon tungkol sa amin, at naikwento ko rin ang nangyari kay daddy noon bago siya mawala. Isang linggo na simula nung tumawag si Tiya Helen at simula nun ay lagi niya akong kinakamusta. Nakikita niya raw ang lalaki sa paligid araw araw. Minsan rin naman ay nakita ko ang lalaki na kausap sila Aling Nena. Nang tinanong ko sila kung ano ang mga napagkwentuhan nila ay sabi nila nagtatanong raw tungkol sa akin.
"Delikado nga iyan, teka alam na ba iyan ni Steph?" Umiling ako.
"Iniisip ko po na lumayo nalang, kung sakaling masama po ang balak sa akin hindi po kayo madadamay na malalapit sa akin" wika ko.
"Hindi rin naman kami papayag na mapahamak ka Lily. Paano ba itong gagawin natin?"
"Lily?" Napalingon kami ni Ma'am Yen at nakita si Tita Imee kasama si Tito Bong.
"Tita Tito, Magandang umaga po"
"Magandang Umaga Senator Bong, Ma'am Imee" bati ni Ma'am Yen. Bumati rin naman ang dalawa sa amin.
"Mukhang seryoso ang usapan niyo ha" wika ni Tita Imee
"Pwede ba kaming makiupo?" Tanong ni Tito, tumingin muna ako kay Ma'am Yen tumango ito sa akin kaya pinaupo namin sila.
"Teka Oorder muna kami. Bong halika sa Harap, ano? Uutusan mo ako? Walang senator senator dito hoy" wika ni tita kaya natawa kami.
Nagtungo ang dalawa sa harap para umorder kaya naiwan kami ni Ma'am.
"Ayos lang po ba sayo na nakiupo sila?" Tanong ko
"Naiintimidate ako sakanila pero ayos lang, naisip ko lang diba malapit ka naman sakanila? bakit di mo banggitin sakanila yung sinasabi mo kanina? Lily maaari ka nilang tulungan lalo na si Senator Bongbong"
"Nakakahiya Ma'am. Atsaka isa pa may usapan po kami ni Ms. Irene at sinabi ko na hindi na ako lalapit sa pamilya niya"
"Lily ibang usapan ito. Kapakanan mo ang dapat nating intindihin hindi ang anumang kasunduan na walang katuturan. Kailangan mo ng tulong nila ngayon, maaari ka nilang maprotektahan" wika niya.
"Nahihiya po ako magsabi Ma'am, parang ang laking bagay nung hihingin ko"
"Malaking bagay ba yung protektahan ang kaligtasan mo? Lily nakikita ko na pamilya na ang turing nila sayo kaya hindi naman siguro big deal na tulungan ka lalo na kaligtasan mo ang nakataya. Makapangyarihan ang pamilya nila at alam kong matutulungan ka nila"
"Hindi natin alam kung ano ang habol sayo nung nangangalap ng impormasyon pero sigurado ako konektado iyon sa daddy at mommy mo. Maaaring nasa panganib ang buhay mo kaya dapat mong magingat at humingi ng tulong"
"Nanganganib ang buhay? Bakit?" Rinig namin nakarating na pala ulit ang makapatid sa mesa namin.
Natahimik kaming dalawa.
"May nangyayari ba na dapat naming malaman?"
"Sabihin mo na Lily" umiling ako kay Ma'am.
"Ma'am Imee, Senator pwede po bang humingi ng tulong?" Tinignan ko si Ma'am Yen na para bang sinasabi na huwag itutuloy
![](https://img.wattpad.com/cover/323502271-288-k912897.jpg)
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?