chapter two

243 2 0
                                    

Sky Penni POV...

" Sky anak."nang marinig ko ang boses na yon ay napangiti ako at tumingin kay Daddy.

" Dad."mangiyak ngiyak kong saad at tumakbo para yakapin si Daddy. Naramdaman kong niyakap ako pabalik ni Daddy. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko siguro dahil sa miss na miss ko na si Daddy.

Mga ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon ni Daddy ng kumalas na ako. " I miss you so so much anak."masayang saad ni Daddy.

" I miss you so so so so much too Daddy."hinalikan ni Daddy ang noo ko. Kumapit ako sa braso ni Daddy nang makita kong pababa ng hagdan si tita Weenie at Yesha.

" Daddy."

" Honey."

sabay na saad ni Yesha at Tita Weenie. Niyakap ni Tita Weenie si Daddy ganon din si Yesha, mahina akong tinulak ni Yesha at sinamaan nya ako ni tingin kaya bumitaw ako kay Daddy.

" namiss ka namin Daddy."masayang turan ni Yesha at kumalas sa yakap ganon din si Tita Weenie, halata sa mga mukha nila ang saya.

" actually marami pa akong trabaho sa company pero umuwi ako dito dahil nandito na ang kapatid mo Yesha kaya alam ko na malungkot sya kahapon dahil hindi ko sya nasundo sa airport, kaya ngayon dito muna ako hanggang bukas."aniya. Sobrang busy talaga ni Daddy, pwede naman syang ipaasikaso yon sa mga employee nya. Magsisikap akong makapag tapos ng pag-aaral para ako na ang mag m-manage ng company namin para naman makapag pahinga na si Daddy.

" yehey! Ayos lang yon Dad at least makakasama ka namin ngayon."masayang turan ni Yesha.

" Yesha's right hon."
" btw gusto mo bang samahan na muna kitang umidlip sa kwarto hon. At mamaya maya kakain na tayo ng dinner."

" ok hon. Sky, Yesha maiiwan na muna namin kayo ng mommy niyo."tumango kaming dalawa ni Yesha at umalis na sila.

" hm maswerte ka at nandito si Daddy."saad ni Yesha at napairap tsaka umalis. Napailing na lamang ako. Walang pinagbago si Yesha. Naglakad na ako paakyat sa hagdan.
_____

" Mina."pagtawag ko sa aso ko na mahimbing na natutulog sa kama ko. Dahan dahan akong naglakad palapit kay Mina. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Mina. " Mina."nagulat ako ng biglang bumangon si Mina.

" arf! arf! arf!"tahol ni Mina at dinilaan nya ang pisnge ko dahilan para makiliti ako at matawa.

" t-tama na Mina."natatawang saad ko at binuhat ko sya tsaka ko inilayi sa mukha ko.

" arf!"tumawa na lamang ako sa tahol nya. Naupo ako sa kama at ibinaba ko si Mina. Lalapitan nya na sana ako ng bawalan ko sya.

" sit down."utos ko sa kanya na sinunod naman nya. Lahat ng sinasabi ko sa kanya ay sinusunod nya, sya lang ang kasama ko sa Paris na nagpapaalis ng pagod ko, at palaging nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. " dyan ka lang magbibihis lang ako, dapat nandyan ka lang paglabas ko ng cr, ok?"

" arf!"satingin ko sumagot syang oo. Inalis ko ang bag ko at tumayo tsaka kumaha ng damit. Naglakad na ako patungong cr pero bago ako pumasok ay sinulyapan ko muna si Mina na nakatingin din sa akin habang nakalabas ang dila nya, cutieee. Nginitian ko sya at pumasok na ako sa loob ng cr.

TIME SKIP

Tinignan ko ang orasan, oras na para kumain ng hapunan. " Mina tara na sa labas at kakain na tayo."tumayo ako sa pagkakahiga at binuhat si Mina. " huwag kang maingay kapag nasa baba na tayo ha?"pabibilin ko sa kanya.

" warf warf!"tipid akong ngumiti at lumabas na sa kwarto ko.

Kurt Atienza POV...

" isa pa ngang beer."lasing na tugon ni Samuel. Nilagok ko ang laman ng baso ko na alak at tumayo. Ang hina naman nitong si Samuel nakakailang bote pa lang lasing na. Kukuhain nya na sana ang iniabot ng bartender ng ilayo ko yon.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now