Tristan POV...
Sasagot na sana ako ng pangunahan ako ni Xylene. “ Good news po ang gusto naming marinig.”tipid na ngumiti ang doctor.
“ sige. Okay na sya sa ngayon pero kailangan nya pang magpahinga para magising na sya at bumalik ang lakas nya.”nawala ang kaba ko sa sinabi nito.
“ mabuti po, salamat po sa pag ligtas sa kanya doc.”nakangiting saad ni Xylene.
“ pero hindi niyo ba itatanong kong ano din ang bad news?”bumalik ang kaba ko sa sinabi nya. Nagkatinginan kami ni Xylene halata din sa mukha nya ang kaba at takot. Tumango lang ako na ikinatango nya rin, tumingin ako kay doc.
“ go ahead doc, sabihin niyo po sa amin.”
“ alam niyo naman na siguro ang nagiging resulta kapag nababagok ang isang tao. Nadamage ang kanyang utak pero ayos na sya, pero posibleng mawalan sya ng memorya nya tungkol sa nakaraan nya. Maaaring kalahati lang sa nakaraan nya ang makalimutan nya at maaari ding lahat.”hinawakan ko ang bewang ni Xylene ng muntik na itong matumba sa narinig. Kawawang Sky, mawawalan sya ng ala-ala, lahat kami makakalimutan nya. Paano ko ito maipapaliwanag sa pamilya nya at kila Asher? “ maiiwan ko na kayo rito.”iniwan kami ng doctor dito.
“ b-bakit? Kong kailan nakabalik na ako dito sa Pinas tsaka naman sya mawawalan ng ala-ala?”niyakap ko sya ng muli nanaman syang umiyak. Bakit kailangan pang umabot sa ganitong sitwasyon?
KINABUKASAN.....
Asher POV...
Bakit sya pa? Ang pinaka-ayaw kong babae ay syang nag ligtas ng buhay ko? Mahirap paniwalaan pero yon ang totoo. Hayts! Now na nahanap ko sya anong gagawin ko para mapalitan ang ginawa nyang pag ligtas sa buhay ko noon?
“ hoy!”napakurap ako ng tawagin ako ni ate. “ anong iniisip mo ha? Pati yang pagkain mo nilalaro mo na.”binitawan ko ang hawak kong kutsilyo. Kakaisip ko kong ano anong hiwa na ang ginawa ko sa karne.
“ nothing ate.”umirap lang sya.
“ ok, dalian mo na dyan at papasok na tayo.”tumsngo ako at tumayo na sya.
FAST FORWARD
“ Halah lalong gumanda si Ms Farrah.”
“ omg! She's back!”
“ welcome back Ms Farrah!”pag w-welcome ng mga estudyante kay ate.
Nagsilapit na sa kanya ang mga estudyante kaya umalis na ako. Ayokong madamay sa kanya na pinagkaka-guluhan. Nagtungo na ako sa classroom. Nandito na silang lahat maliban kay Sky at Tristan. Naglakad ako at lumapit sa tatlo. “ nasaan si Tristan?”alam ko namang wala si Sky dahil nasaktan sya sa sinabi ko kagabi pero yon naman ang totoo e, tsaka dumating na ang savior ko kahit na si Yesha pa yon kailangan kong pakisamahan sya. Thanks to her. Hindi ko muna sasabihin sa kanya kong sino ako, at kong bakit ko sya sinasahaman.
“ we don't know.”walang ganang sagot ni Samuel.
“ Asher bakit wala pa si Sky? Wala ba syang nasabi sayo? Bakit hindi mo sya sinundo sa kanila?”sunod sunod na tanong ni Zoey.
“ wala naman.”tipid kong sagot. Sorry kong nagsinungaling ako Zoey, sorry din kay Sky. Napabuntong hininga sya at naupo sa upuan nya.
Xylene POV...
“ Tristan gising na.”pag gising ko kay Tristan. Alam ko na ang pangalan nya dahil sinabi nya na sa akin kagabi, minulat nya ang kanyang mata kaya mabilis akong umayos ng upo at diretsong tumingin. Umayos din sya ng upo kaya tinignan ko na sya, mukhang hindi sya sanay na mapuyat dahil ang laki ng eye bags nya. “ Hindi kaba papasok?”tanong ko dito napatingin naman sya sa wrist watch nya.
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...