Asher POV...
WEEKS HAVE PASSED, sa tagal naming pagsasama ni Sky ay mas naging close pa kami na parang magkaibigan na mag couple. Masaya ako dahil unti unti na syang nahuhulog sa akin. Pero dinadalaw pa din ako ng konsensya tuwing matutulog ako. Palagi na lang nagtatalo ang puso't isipan ko kong ano ba ang dapat kong gawin. Gusto kong paglaruan si Sky pero pinipigilan ako ng puso ko. Ngunit nasimulan ko n ito kaya dapat lang natapusin ko ito hanggang sa tuluyan ng mahalin ako ni Sky.
“ sinong iniisip mo?”
“ nandito kana pala sweetheart.”tumango sya at naupo dito sa tabi ko. “ nasaan sila Kurt?”
“ iniwan ko na sila doon sa garden.”
“ bakit mo naman sila inawan don?”
“ uhm wala lang.”pinatong nya ang baba nya sa dalawang palad nya. She looks like cat. I'm sorry for everything Sky pero itutuloy ko pa din ang plano kong pahulugin ka sa akin.
“ nothing? Or......”
“ or what?”
“ o kaya naman na miss mo na ako sweetheart?”saad ko na may halong biro. Pilit syang ngumiti.
“ bruh! Mamimiss kita? E nandito ka lang naman ah. Gusto lang kitang samahan dito kasi mag-isa ka lang dito.”
“ natatakot ka bang maagaw ako ng iba sweetheart.”nakangisi kong tanong sa kanya.
“ na'ko ha! Kahit agawin ka pa ng mga babae dito wala akong paki-alam nasa sayo na yon kong sasama ka ba sa kanila o hindi.”
Napabusangot ako. “ akala ko may gusto kana sa akin kahit kaunti wala pala.”nagkunwari akong umiiyak. Pinitik nya ang noo ko kaya sumeryoso ako at tumingin sa kanya.
“ tumigil ka, nag e-emote ka nanaman.”
“ pero di mo ako gusto kahit kaunti lang?”seryoso kong tanong sa kanya.
“ tsaka na ako magsasabi kong gusto na kita ng buong-buo yeobo.”nakangiti nyang sagot.
“ halika nga dito sweetheart.”hinila ko sya at niyakap, naramdaman kong niyakap nya ako pabalik.
“ pagod ka ba?”
“ nope, I miss my sister.”tumingin sya sa akin pero nakayakap pa din kami. Napataas sya ng kilay nya, oh I forgot to tell her.
“ may ate ka pala? Bakit mo di mo nasasabi sa akin?”tanong nya.
“ I'm sorry sweetheart nakalimutan ko sa ng sabihin sayo.”
“ eh nasaan sya ngayon?”
“ china. Sya kasi ang sinabihan ni Dad na mag manage ng company namin doon.”
“ sobrang yaman niyo din pala. Btw ilang years na ba ang ate mo?”
“ 1 year.”
“ huh? Ang tagal na, di mo ba naisipang puntahan sya sa China?”
“ hindi papayag si Dad.”
“ so may company din ang Daddy mo dito sa Pinas.”
“ of course.”
“ so parehas lang din ang Daddy nating dalawa na busy sa pag aasikaso sa kumpanya tsaka palagi din silang pagod.”malungkot na sambit nya.
“ don't worry sweetheart I'm here to make you happy everyday.”
“ hm.”nginitian ko sya ng ngumiti sya. Sa ilang segundo naming pagtitigan, bumaba ang tingin ko sa labi nya. No Asher! Bakit binaba mo ang tingin sa labi nya?! Nakaramdan ako ng pagka-akit sa mapupula nyang labi. Tuwing tumitingin ako sa labi nya nakakaramdam ako ng pagka-akit, parang hinihila ako ng labi nya na halikan ko sya. Pero sa tuwing gagawin ko ito ay napipigilan ni Sky kaya kong hahalikan ko sya ngayon dahil hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko, pipigilan nya ulit ako. Bakit ba nakaka-akit ang labi ng mga babae? Kahit ilang beses kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko mapigilan na halikan sya kusang lumalapit ang mukha ko sa mukha nya. Sa pag iisip isip ko hindi ko nalamayan na malapit na ang mukha ko at kay Sky.
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...