chapter twenty five

97 1 0
                                    

Kurt Atienza POV...

Pagkababang pagkababa ko palang sa kotse ko ay natanaw ko si Renz at Zoey na nakaupo sa bangko habang masayang nagtatawanan.

Bakit nandito si Renz?

Hindi na ako nagdalawang isip na papasok ako o hindi, agad kong binuksan ang gate at pumasok tsaka naglakad. This man!

" why are you here Renz?"malamig kong tugon kaya nabaling ang atensyon nilang dalawa sa akin. Nangunot ang noo ni Zoey, di ako papayag na si Renz ang kasama nya maghapon.

" eh ikaw anong ginagawa mo dito?"taas kilay na tanong ni Zoey at tumayo. Walang emosyon akong tumingin sa kanya.

" ano ba kayong tatlo magkakaibigan kayo mag usap kayo ng maayos yong walang sungitan." sambit ni Tita Lily sa likuran ko. Nakangiti akong nagmano kay Tita. " tigil-tigilan mo ang pagiging mataray mo Zoey hindi nakakaganda yan."sermon ni Tita kay Zoey. Napatango tango lang si Zoey.

" Ma, itong dalawang ito ay hindi ko na po kaibigan, kakilala ko lang po sila ganon."

" sus arte arte ka pa pero sa loob looban mo ayaw mong sabihin yan." papaluin na sana ni Zoey si Renz ng magsalita si Tita

" Anak."binaba ni Zoey ang kanang kamay nya. " hangga't nandon pa din silang lima sa pinag-aaralan mo ay mababalik balikan mo pa din ang mga ala-ala niyong anim. Masaya kami ng Papa mo noon dahil nandyan ang mga kaibigan mo para mapasaya ka lalong lalo na itong si Kurt pero kayong lima din ang dahilan ng labis na pagkalungkot ng aming anak. Kami man ng Tito nyo ay may sama ng loob sa inyong lima lalong lalo kana Kurt. Pero sabi ko nga sa una, hindi mawawala ang ala-ala niyo kong nagkikita kita pa din kayo. Tsaka napapansin ko din na napapalapit na din silang lima sayo anak, sa ibang tao may marami pang pagkakataon para makabawi sa nasaktan nilang tao. Pero ngayon anak ako na mismo ang magsasabi sayo na bigyan mo sila ng pangalawang pagkakataon, ngunit sa oras na masira nila ang binigay mong pagkakataon ay hinding hindi ko na sasabihan ang anak ko para bigyan pa kayo ng pangalawang pagkakataon o kaya tawagin nating last change. Lahat talaga ng tao ay nagkakamali, pero kong mabait ka at nagbago na ang mga taong nanakit sayo ay pwede mo silang bigyan ng pagkakataon." wala akong masabi sa sinabi ni Tita. Pero karapat dapat bang bigyan kami ng isa pang pagkakataon? Sobrang t*nga ko dahil nagawa kong lokohin si Zoey.

Zoey Kravitz POV...

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Mama. Tama si Mama maaalala't maaalala ko pa din ang pagkakaibigan naming anim kong patuloy ko pa din silang nakikita. " sige maiwan ko na kayong tatlo dito, mag usap kayo."mitlang ni Mama at umalis. Wala sa sarili akong naupo sa bangko.

FLASH BACK

Napaawang ang labi ko ng makita ko si Kurt na may kahalikan na isang babae. Nakaramdan ako ng paninikip sa dibdib ko, sobrang sakit! N-nagawa nyang l-lokohin ako?! " K-kurt?"nahinto si Kurt sa paghahalik sa babae at sabay silang napatingin sa akin. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang pag iyak ko.

" l-love, m-magpapaliwanag a-a-ako."nauutal nyang banggit. Nakita ko naman yong babae na nakangisi.

" hubby, who's that woman?"malanding sambit nong babae at nakahawak pa sya sa dibdib ni Kurt.

" shut up."inalis nya ang kamay nong babae sa dibdiba nya at naglakad kaya naman mabilis akong tumakbo palayo doon bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Rinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi ko ipinag sawalang bahala ko na lamang yon. Hindi ko inaaakala ang pangyayaring ito. Sa tagal naming pagsasama niloloko nya pala ako. Halos hindi ako makahinga sa pag iyak ko kaya pabagsak akong naupo dito sa damo.

" BAKIT MO NAGAWA SA AKIN ITO KURT?! BAKIT?!!"sigaw ko, wala akong ibang nararamdaman kundi pagkasakit sa puso kong nawasak at pagkagalit! Peke akong napatawa habang nakatanaw sa likuran ko. " aasa pa ba akong susundan nya ako?"naiyukom ko ang kamao ko. Argh! For the first time, ngayon lang ako nasaktan ng ganito kasakit! Naghahalikan pa, bat ganon? Hindi nya na lang sinabi sa akin na ayaw nya na sa akin? Bakit nagawa nya pang gawin ito?!

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now