sixty nine

39 0 0
                                    

Sky POV...

“ Thank you sa paghatid Renz.”ngumiti s'ya.

“ Sige aalis na ako, mag enjoy kayo.”kumaway s'ya kaya kumaway din ako. Pinaandar n'ya ang kotse n'ya tsaka s'ya umalis.

Tumingin dito, tingin doon, hanggang sa mahagip nang mata ko sila Yesha. Nagkatinginan kami ni Yesha kaya mabilis n'yang piniringan si Tita. Magkamukhang magkamukha sila.

Nasaan kaya ang tunay kong Mommy?

Masaya akong naglakad. Hanggang sa malapit na ako sa kanila.

“ Mom, tumayo po tayo.”inalalayan ni Yesha na tumayo si Tita.

“ Anak, sino ba ang regalo mo sa akin ha?”

“ Basta Mom.”masaya lang akong nakatingin sa kanila. Sumenyas sa akin si Yesha na tatanggalin na n'ya ang piring ni Tita, tumango lang ako.

Dahan dahan nitong tinanggal ang piring ni Tita. Ako ay nakatayo lang dito habang naghihintay at nakangiti. Hanggang sa makita ako ni Tita, nagulat pa s'ya pero kinalaunan sumilay ang ngiti n'ya sa labi n'ya.

“ S-sky anak!”agad n'ya akong niyakap nang mahigpit.

“ Happy birthday Tita.”saad ko, niyakap ko din s'ya pabalik.

Ilang minuto din ang kaming magkayakap ni Tita hanggang sa kumalas na s'ya. Maluha luha itong tinignan ako. “ Sky anak, p-pasensya na at minamaltrato ka namin nang kapatid mo. Pero na realize na lang namin isang araw na hindi namin kaya na mawala ka anak. Sobra sobra akong nagsisisi sa mga ginawa namin sayo anak. Miss na miss ka na namin, anak.”kahit ako ay napaluha na din, hindi dahil sa lungkot kundi dahil masaya ako ngayon.

Niyakap ko ulit si Tita, kahit hindi ko s'ya maalala miss na miss ko din s'ya. Kumalas ako at pinunasan ni Tita ang luha ko kaya pinunasan ko din ang luha n'ya at ngumiti.

“ Tita stop crying na, it's your birthday kaya dapat lang na maging masaya tayo ngayong araw.”napangiti naman s'ya sa tuwa.

“ Sky, can you call me Mommy?”hinawakan n'ya ang magkabilaang pisnge ko.

I nodded. “ Happy birthday again, Mommy.”saad ko na mas lalong nagpangiti sa kan'ya.

“ Mom, Sky tama na yan. Kakain pa tayo oh.”mahina kaming natawa ni Mommy Weenie. Dalawa na Mommy ko pero nasaan kaya yung tunay?

Naupo na kaming dalawa ni Mommy Weenie dito sa carpet.

“ Wow! May spaghetti!”kuminang kinang ang mata ko dahil merong spaghetti.

“ I know it's your fav food kaya nagluto ako nyan.”niyakap ko si Mom.

“ Thanks Mom.”saad ko. “ Btw nasaan po ba ang tunay kong Mommy, Mom?”nahinto si Mommy Weenie.

“ Sky, ang sabi sa akin ni Daddy, namat*y na ang Mommy mo noong sanggol ka pa lang.”she's de*d? Napatango tango na lamang ako.

“ Don't worry, I'm here anak.”ngumiti ako at tumango tango kay Mommy Weenie.

“ Sisindihan ko na ang kandila, para makapag wish kana Mom.”saad ni Yesha.

“ Sige anak.”

Sinindihan na ni Yesha ang kandila na nasa Cake at kinuha n'ya ito. Tinapat n'ya ito kay Mommy Weenie.

♪Happy birthday to you♪
♪Happy birthday to you♪
♪Happy birthday, Happy birthday♪
♪Happy birthday to you♪

“ Happy birthday Mommy.”sabay naming saad ni Yesha. Nakangiting hinuyupan ni Mommy ang kandila, pumalakpak naman kami ni Yesha. Nag wish na din si Mom. Matapos noon ay ibinaba ni Yesha ang Cake at sabay naming niyakap si Mommy.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now