seventy

41 0 0
                                    

Sky POV...

Bago nila ako tuluyang mahuli, ilang beses ko pang pinipindot ang bracelet ko. Hanggang sa mawakan na nila ang mga kamay ko. Ang bibilis nilang tumakbo!

“ Nakatakas yung isa n'yang kasama.”

“ Panigurado lagot nanaman tayo kay Boss.”

Tsk!

“ Dalhin n'yo na yan doon. Higpitan n'yo ang pagkakatali sa kan'ya para hindi na makawala ulit, mapapat*y tayo ni Boss kung pati ito ay makakatakas din.”nagsitanguhan silang lahat sa sinabi nang isang lalaki.

“ Tara na.”pinaghihila nila ako.

“ Ano ba? Kaya ko namang maglakad hindi n'yo kailangan na hilain pa ako!”inis kong saad sa kanila at naglakad nang maayos.

Nang makarating na kami dito sa pinanggalingan ko agad nila akong tinali at napakahigpit nga nang pagkakatali nila sa akin. Psh! Ayokong magsayang nang laway para magreklamo. Umalis na silang apat.

“ Hanggang ngayon ba hindi pa din makakamove on si Jack sa akin? Ilang buwan na ang nakakalipas, may nararamdaman pa ba s'ya sa akin at umabot pa sa sitwasyong ito?”si Jack Erel ang may pakana nito.

Si Jack ay naging kaibigan ko din sa Paris pero hindi nagtagal ay umuwi na ako dito sa Pinas. Noong nasa Paris pa ako, umamin s'ya sa akin na gusto n'ya na ako. One year na daw n'ya akong gusto hanggang sa nag-ipon s'ya nang lakas nang loob para makipag kaibigan sa akin at umamin sa akin. Pero hindi ko s'ya gusto kaya binusted ko kaagad s'ya dahil ayokong umasa s'ya na magugustuhan ko din s'ya.

Hindi ko alam na may tinatago palang ganitong ugali si Jack, nagawa n'ya pa akong ipakidnap, para ano? Para pilitin ako na mahalin s'ya? Tsk, asa s'ya!

Nagawa n'ya pa talagang ipapat*y si Mommy Weenie? Napakasama n'yang tao! Bakit dinamay n'ya pa si Mommy Weenie? Ngayong araw na nga kami magkakasama tapos ngayon din ang araw na mawawala s'ya sa amin ni Yesha?

Hindi ko nalamayan na tumulo na pala ang luha ko. “ I'm sorry Mommy Weenie, nang dahil sa akin nadamay ka pa. S-sorry Mom.”umiiyak kong saad.

Naramdaman kong may taong paparating kaya nag angat ako nang tingin. I see him while smiling. He came to me. “ Why are you crying Darling?”he asked.

“ Jack please? Pakawalan mo na ako.”saad ko.

Hinawakan nito ang magkabilaang pisnge ko at pinunasan n'ya ang luha ko. “ Shhhh, don't cry Darling.”hindi ko gusto ang pagtawag n'ya sa akin. “ I'm glad you remembered me.”he added and smiled.

“ Kuya nakawala si Yesha. I'm sure na magsusumbong yon sa Pulis. Kaya kinakailangan na umalis na tayo dito.”hindi. Hindi pwede.

“ Mag book ka ng tatlong ticket, pupunta tayo ngayon sa Paris.”umiling iling ako sa sinabi ni Jack.

“ Noted Kuya.”umalis na si Cindy.

“ Darling we are going to the Paris doon tayo bubuo nang sarili nating pamilya.”saad n'ya.

“ H-hindi Jack. Hindi ako sasama sa inyo.”bigla nitong hinawakan ang panga ko.

“ Kapag hindi ka sumama papat*yin ko ang mga mahal mo sa buhay. Uumpisahan ko sa Daddy mo.”banta nito. “ What? Sasama ka o hindi?”diniinan nito ang pagkakahawak sa panga ko. Napaka h*yop talaga n'ya! Grhhh! Sarap bugbugin e.

“ Jack your kind person pero bakit nagawa mong pat*yin si Mom? Hindi ka ganyan Jack, hindi ka ganyan.”mahina lang itong tumawa. “ Jack what happened to you? Ibang iba kana.”saad ko at umiling.

“ Yeah, ibang iba na ako Sky. Baliw na baliw na ako sayo.”he said. “ Now answer me, sasama ka o hindi?”medyo napataas pa ang boses n'ya.

“ S-s-sasama na ako.”natatakot kong saad. Binitawan n'ya na ang panga ko at niyakap ako nito.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now