last part

140 0 0
                                    

Sky POV...

Nagulat ako nang biglang yakapin ni Dad si Mommy Che. Bigla kong naisip ang sinabi sa akin ni Mommy Weenie. ‘ S-sky anak, b-buhay ang Mommy m-mo ’. S-s'ya ang tinutukoy ni Mommy Weenie?

“ Dad, bakit ka nagsinungaling sa akin?”kumalas sa yakap si Dad at hinawakan ako sa mga balikat ko.

“ I'm sorry anak. Nagawa ko lang yon dahil pinaghiwalay kami nang mga magulang namin nang Mommy mo, ayoko lang na hanap hanapin mo ang Mommy mo kaya sinabi kong wala na s'ya.”sambit ni Dad.

“ I forgive you Dad.”i said and hugged Mom tightly. Hindi ako magagalit kay Dad dahil never naman akong nagalit sa mga mahal ko sa buhay. Masaya akong kumalas sa yakap. Napatingin ako kay Xylene na ngayon nakatingin sa akin. “ Xylene, we are really siblings!”niyakap ko si Xylene at napatalon talon pa.

Kahit madami akong pinagdaanan hindi pa din ako sumuko kaya ngayon, sigurado na ako na magiging masaya na ulit ako araw araw.

Nag group hug kaming apat. “ Yesha anak, halika dito.”napatingin kami kay Yesha.

“ Ah hindi na po Dad, kayo na lang po.”

“ Sus nag iinarte ka nanaman, alam ko nasa isip mo Yesha, kahit na buo kami, pamilya ka pa din namin, kapatid namin ni Xylene. Pwede mo namang maging Mommy ang Mommy namin.”saad ko.

“ That's true, Yesha.”—Xylene.

“ Tama ija, pwede mo akong iturin na tunay na ina, aalagaan kita para sa Mommy mo.”saad ni Mom.

“ Ah salamat po pero kayo na lang po ang mag group hug.”hayts! Ang tigas nang ulo ha.

“ Punta na Yesha, hinihintay ka nila.”sabay sabay na saad nila Asher.

“ Come here anak, we are family.”Daddy said. Ngumiti si Yesha at yumakap na din sa amin. Sumali na din sa amin sila Asher.

Makalipas ang dalawang linggo, sobrang saya namin dahil wala nang tao pa ang manggugulo sa buhay namin. Grabi! Girlfriend na ni Renz si Yesha! Ang bilis diba? Sinagot ba naman agad ni Yesha. Habang yong apat ay naghihintay nang sagot namin.

“ Sweetheart, hindi ba sasagutin mo na ako kapag pinakilala na ni Renz si Yesha sa amin, right?”ay naalala pa n'ya.

“ Joke lang yon Asher, huwag mong seryosohin.”napabusangot ito. Hayts naman!

“ Nagtatampo nanaman ang kapatid ko.”saad ni Ate Farrah.

“ Suyuin mo na Sky, baka may makakita pa sa kan'ya baka ma in love sa kan'ya magkaroon ka pa nang kaaway.”saad ni Zoey.

“ Zoey is right Sky.”saad ni Xylene.

“ Sige na suyuin mo na, madami pa namang ahas dito sa University.”tama ka Yesha.

I kiss him pero smack lang syempre, nandito pa naman kami sa Cafeteria. Abot tainga ang ngiti nito.

“ Wow ha!”saad nilang lahat.

“ Yam nagtatampo din ako kish mo ko sa leps ko para di na ako tampho.”parang batang saad ni Kurt at nagpa cute pa ito kay Zoey kaya nakatikim s'ya nang batok kay Zoey dahilan para tumawa kami. HAHAHA!

“ Takam na takam sa halik Kurt ha.”tumatawang saad ni Tristan.

“ Dre, lakas nang trip mo HAHAHA!”—Renz.

Tawa lang kami nang tawa dito, laugh trip e HAHAHA!

FAST FORWARD

Uwian na! Ito talaga inaabangan ko e charottt.

“ Xylene, saan mo nakuha yang bracelet mo?”tumingin ako sa kamay ni Xylene. May bracelet din pala s'yang ganon?

Nasaan na kaya ang bracelet ko na kagaya sa kan'ya?

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now