chapter five

176 2 0
                                    

Tristan Laverne POV...

" totoo naman ha."-Kurt

" totoo na kong totoo, kinakasama lang naman e."saad ni Renz.

" kaya nga."pagsang ayon ni Samuel.

" kinakasama lang naman e? Ibig sabihin noon babaero nga."

" ano ba? Puro na lang babae ang pinag-uusapan niyo. Ibahin niyo na naman ang topic niyo."reklamo ni Asher.

" umaasa ka pa bang makikita mo ang savior mo?"seryosong tumingin sa akin si Asher.

" good morning class."napatingin kami kay prof nakadadating lang.

TIME SKIP

Habang naglalakad kami palabas ng room ay nagsalita si Asher.

" of course, umaasa akong makikita ko ang savior ko. Alam ko na balang araw pagtatagpuin kami, kailangan ko pang isoli sa kanya ang bracelet nya at kailangan ko ding magpasalamat sa kanya dahil iniligtas nya ako ng maaksidente kami ni Mommy."mahabang salaysay ni Asher.

" 4 years na ang nakaraan Asher pero umaasa ka pa din."saad ni Samuel.

" paano kapag may pamilya na sya paano kayo magkakatuluyan nyan."nakabusangot na saad ni Renz. " */poink aray!"daing ni Renz ng binatukan sya ni Asher.

" seryoso kaming nag uusap tapos sasabat ka at ganoon ang sasabihin mo."walang emosyong saad ni Asher.

" pero ayos lang na may pamilya na sya at asawa, diba sabi nga nila girlfriend nga naaagaw asawa pa kaya."babatukan na sana ulit ni Asher si Renz ng nagtago si Renz sa likod ni Kurt. " biro lang Asher hehe."nakita kong nasa malayo ang tingin ni Kurt kaya tinignan ko ang tinitignan nya. Si Zoey at si Sky? Masayang nagtatawanan sila Zoey at Sky ng biglang napatingin sa amin si Sky kaya napahinto sya, ganon din si Zoey.

" oh, si Ms Sky."masayang saad ni Samuel at naglakad, sumunod naman si Renz.

" you mi-"

" no."pagtuloy ni Kurt sa sasabihin ko.

" Bakit ba palagi na lang Sky ng Sky yung dalawang yon."cold na saad ni Asher.

Sky Penni POV...

" Ms Sky, sumabay na kayong mag lunch sa amin."pag aaya ni Samuel.

" kaya nga Ms Sky masaya kaming kasama."nakangiting saad ni Renz, napatingin naman ako kay Zoey na masama ang tingin sa dalawa.

" Zoey bakit parang ang laki ng galit mo sa dalawa?"pabulong na tanong ko kay Zoey, kaya tumingin sya sa akin.

" baka kasi paglaruan ka lang nila, mga babaero kasi sila."bulong nya sa akin. Tumingin ako kila Renz na nakangiting nakaharap sa amin.

" nako, hindi na salama-"

" sumama na kayo sa amin para naman pangbawi ni Asher sa pinarusa sa inyo kanina."pagtuloy ni Tristan sa sasabihin ko sana.

" ano ba kayong lima ha?!"nagulat ako ng sumigaw si Zoey. " pwedeng bang tantanan niyo kami ni Sky?!"dagdag pa nya. Anong problema netong si Zoey?

" Zo-"hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla akong hilain ni Zoey.

" Zoey may problema ka ba sa kanila?"tanong ko sa kanya kaya napahinto sya at binitawan ang kamay ko.

" w-wala, tara na."saad nya at naunang naglakad. Wala syang problema pero bakit nya sinigawan sila Samuel kanina? Feeling ko dating magkakaibigan o magkaka close si Zoey at yong lima e.

TIME SKIP

Habang kumakain kami ni Zoey dito ay napansin naming nahsipuntahan ang mga babae sa pinto dito sa cafeteria.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now