Sky POV...
AFTER 3 DAYS...
“ Bakit ang tagal ni Asher?”kanina ko pa s'ya hinihintay dito sa labas, ngayon lang ako naghintay dito sa labas. Kapag sinusundo n'ya ako s'ya ang pumapasok sa loob pero ngayon ako ang naghihintay sa kan'ya dito sa labas. Nauna nang umalis sila Xylene at Tristan, sana sumabay na lang ako sa kanila.
Hayts! No choice, hihiramin ko kotse ni Mom.
_____“ Mom.”
“ Oh bakit nandito ka pa? Late na ha.”late na late na late na ako Mom.
“ Hindi pa po dumadating si Asher, Mom e. Kaya naisipan ko pong hiramin po ang kotse n'yo wala din naman pong dumadaan na taxi dito.”saad ko. Marunong naman ako mag drive e.
“ Sige.”iniabot sa akin ni Mom ang susi.
“ Thank you Mom.”
“ Sige na umalis kana. Mag-iingat ka.”tumango ako at hinalikan sa pisnge si Mom bago lumabas.
Pagkapasok ko dito sa kotse nag ring ang phone ko. “ Hayts! Tumawag ka pang lalaki ka.”walang gana kong sinagot ang tawag.
“ Huwag mo na akong sundin, tsk!”masungit kong saad. Narinig kong umubo ito. “ Okay ka lang ba?”tanong ko sa kan'ya. Pero umubo nanaman ito.
[Sky, c-can you come here?]
Halata sa boses n'ya na hindi s'ya okay.
“ Okay, coming.”binaba na n'ya ang tawag kaya pinaandar ko na ang kotse.
FAST FORWARD
Ilang beses na akong nag d-door bell pero walang nagbubukas nang gate. Hanggang sa mag vibrate ang phone ko.
‘ Bukas ang gate Sky. ’text sa akin ni Asher.
Bukas naman pala. P*ta, kanina pa ako door bell nang door bell bukas naman pala. Binuksan ko ang gate, niluwangan ko ito at pumasok sa kotse ko, matapos kong maipark ang kotse ko dito sa garage bumaba ako at sinara ang gate. Malapit lang naman yong garage dito sa gate.
“ S'ya lang mag-isa dito?”naglakad na ako. Wala akong nakitang maid dito sa kanila noong nagpunta kami dito kaya mag-isa nga lang s'ya.
Nandito na ako sa loob nang Mansion. Mabuti na lang at alam ko ang kwarto n'ya. Umakyat na ako sa hagdan.
__________Bukas din itong pinto n'ya, hindi na ako kumatok pa at pumasok na. Nakita ko s'yang nakahiga, balot na balot nang kumot, nanginginig din s'ya. Naupo ako dito sa gilid nang kama n'ya.
Kinapa ko ang noo n'ya.
Ouch ha! Pwede nang pang kape, ang init e, kaya lang wala namang tubig, tsk!
Iminulat n'ya ang mga mata n'ya. “ Y-you're here na.”he said happily.
“ Ang taas nang lagnat mo. Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?”
“ No. Ayoko.”
“ Why?”
“ If you don't want to take care of me, j-just leave.”ano bang dahilan n'ya? May sakit na nga nagmamatigas pa.
“ Okay fine. I will take care of you.”saad ko na nagpangiti sa kan'ya. For the first time mag-alaga. “ Btw, kumain kana ba nang umagahan?”he nodded.
“ Nakainom na din ako nang gamot.”mahinang usal n'ya.
“ Okay, kukuha lang ako nang mainit na tubig at towel.”he nodded. Tumayo na ako at lumabas.
Kurt POV...
“ Ginawa mo talaga yon ate?”tanong ni Renz.
“ Yup. Iniwan ko dun si Asher habang may sakit. Ayoko ngang mag-alaga nang aso. Yong phone n'ya pinahawak ko sa kan'ya at sinabi kong tawagan n'ya si Sky.”napailing iling ako. Nakababata n'yang kapatid hindi man lang n'ya inalagaan, hayts!
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...