Tristan POV...
Magsasalita na sana ako pero agad akong inunahan ni Sky. “ Mom, kaibigan lang po namin yang dalawang yan, hindi po sila nanliligaw sa amin.”saad ni Sky.
“ ouch!”
“ aray!”
mahinang daing namin ni Asher nang sipain kami ni Sky sa paa namin, pinakita nito sa amin ang kamao nya.
“ Sky anong ginagawa mo?”
“ ah wala po Mom.”binaba nya ang kamao nya at bumalik sa pagkain.
FAST FORWARD
“ gaya kagabi, si Xylene sayo Tristan, dito naman ako kay Asher.”
“ Sk—”
“ ayoko ng aangal galit pa ako sainyong dalawa.”masungit nyang sambit at pumasok na sa kotse ni Asher.
“ let's go.”nakangiting saad ni Asher at sumakay na din sa kotse nya.
“ tsk!”asik ko.
TIME SKIP
Pagkababang pagkababa ko sa kotse ko may kamay na pumingot sa tenga ko.
“ masakit!”
“ Sky, let me go!”
“ kayong dalawa punishment niyo ito! Oras na agahan niyo pa bukas, masasapak ko naman kayo!”sermon nito sa amin habang hawak hawak ang tenga naming dalawa ni Asher.
Naglakad ito at hinila ang tenga namin. “ Sky dahan dahan ka lang naman maglakad!”sigaw ko dahil ang sakit e.
“ tsk! Mamilipit kayo sa sakit dyan! Lakad!”hinila hila nya kami. Pwede naman sa kamay e, bakit sa tenga pa nya ako hihilain? Nahihirapan din ako dahil hindi ako makatayo ng maayos, nag adjust pa ako dahil medyo maliit si Sky.
“ halah! Ano kayang nangyari sa kanilang tatlo?”
“ may kasalanan siguro si Tristan at Asher kay Sky.”
“ ang cute naman nilang tatlo HAHAHA!”
anong cute dito? Ang sakit nga sa tenga e!
“ oh bakit hawak hawak mo ang tenga nang dalawang yan?”taas kilay na tanong ni ate Farrah kay Sky.
“ pano ang aga aga kasing nagpunta don sa mansion tapos pinagkamalan pa na manliligaw daw namin.”natawa naman sila.
“ kayong dalawa, pinag-aagawan niyo talaga si Sky ha?”tanong ni Zoey, lumapit sya sa amin.
“ ouch!”
sabay na daing namin ni Asher nang suntukin ni Zoey ang tyan namin ni Asher. Fvck! Kanina pa ako nasasaktan dinagdagan pa ni Zoey. “ walang manliligaw sa kanya hangga't hindi ako pumapayag!”galit nitong saad.
What the fvck!
“ narinig niyo yon? Walang manliligaw sa akin kapag hindi pumayag si Zoey pati na din si Xylene at ate Farrah.”mahina akong tinulak ni Sky. “ tara na iwanan na natin sila dito.”dagdag pa ni Sky at umalis na silang apat.
“ masakit?”tanong ni Renz na may halong pang-aasar.
“ gusto mo try ko sayo nang malaman mo?”masungit na tanong sa kanya ni Asher.
“ bakit nagtanong lang naman ah, alam ko naman na masakit e.”
“ alam mo naman pala nagtanong ka pa.”saad ko.
“ pano ba yan, mahihirapan kayong ligawan si Sky.”ngiting asong saad ni Samuel.
“ madaming guard ang nakabantay sa kanya.”pambibiro ni Kurt at tumawa.
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...