chapter twenty six

130 1 1
                                    

Asher Chavez POV...

“ Fine!”napilitan kong sabi. Mabilis nyang kinuha ang box sa kamay ko at ngumiti. Fvck! Her smile! Nawala ang nararamdaman ko na inis sa isang ngiti nya. Anong mangyayari sa akin?! Fvck this heart!

“ wow!”napakurap kurap ako sa narinig kong naglalakad boses ni Sky. Teddy bear? HAHA cheap. Magsasalita na sana ako ng pangunahan ako ni Sky.

“ thank you Tristan dahil napasaya mo ako sa simpleng bagay na ito, you're the first man who gave me teddy bear. I'm very very happy.”what? Si Tristan ang unang nag bigay  sa kanya ng teddy bear?

“ first time mong magkaroon ng teddy bear? Hindi ka ba binibilhan ng Daddy mo noong bata ka pa?”nahinto si Sky sa paglalaro nya sa teddy bear. Naghihintay kaming dalawa ni Tristan ng isasagot ni Sky pero tahimik lang sya.

“ Zoey!”mabilis na tumayo si Sky at tumakbo. Sa katatakbo nya ay nadapa sya.

“ naughty girl.”bulong ko bago tumakbo. Tinulungan kong tumayo si Sky ng malapitan ko na sya.

“ Sky naman para kang bata.”iling iling na banggit ni Zoey kay Sky, napanguso naman si Sky. Nagiging childish din pa itong si Sky, cutie girl.

“ you know Sky, cute ka din palang maging bata. Siguro mas cute ka kong bata ka pa ngayon.”mahinang napalo ni Sky si Samuel.

“ ano ka ba Samuel? Mas cute sya nong bata sya pero mas maganda sya ngayong dalaga sya.”

“ hayts! Tama na nga.”

“ bakit ngayon lang kayong apat?”Tristan asked.

“ mauubos ang oras natin kong magtatanungan lang tayo dito. Mamasyal na tayo.”sambit ni Kurt.

“ tama si Kurt tara na.”hinila ni Samuel si Renz at masayang tumakbo.

“ ka—”

“ don't ask Zoey, tara na.”inakbayan ko si Sky at naglakad na din kami.
_____

“ ang saya palang maglakad dito sa park ng gabi.”

“ mas masaya kong palagi kang nasa tabi ko.”malambing kong sambit. Tumingin naman sya sa akin kaya kinindatan ko sya. Tinarayan nya lang ako at inalis nya ang kamay ko sa pagkaka akbay ko sa kanya.

“ woy Asher huwag mo namang sinosolo itong best friend ko.”kumapit si Zoey sa braso ni Sky.

“ oo nga. Hindi date ang gagawin natin dito kundi mag b-bonding mahiya naman kayong dalawa sa amin minsan. Pinapa inggitan niyo lang kami e.”hindi kasi manligaw ng babae itong si Renz. Duwag e.

“ nagugutom na ako tara na bumili ng street food, treat ko  kayong lahat.”

” sabi mo yan Sky ha.”—Samuel.

“ tara na.”sabay sabay silang naglakad, naiwan kaming tatlo dito nila Kurt.

“ bakit parang ang tamlay tamlay mo Kurt?”palagi na lang tinatanong ni Tristan ang nasa isip ko na itatanong sa kanila.

“ until now, nararamdaman pa din ni Zoey ang nagawa ko sa kanya noon. Kailangan ko na bang lumayo para tuluyang mawala ang sakit na nararamdaman nya ng dahil sa akin?”nakayuko nyang sambit.

“ palaban ka, right?”napatingin si Kurt kay Tristan.

“ mawawala ang sakit na nararamdaman nya kong papasayin mo sya, bubuo ulit kayo ng masasayang ala-ala, yong walang halong panloloko.”

“ sobra akong nakokonsensya sya ginawa kong panloloko sa kanya. Pero hindi ko naman ginusto yon.”

“ bro, huwag ka munang susuko malay mo mapasaya mo si Zoey at sa matagal na pagsasama niyo ay mawala ang galit at sakit na nararamdaman nya sa ginawa mo. Pero oras na hindi mo na talaga kaya at satingin mo hindi na talaga mangyayari ang pinapangarap mo pwede ka ng sumuko. Pero sa ngayon try your best para mapasaya mo si Zoey.”napabuntong hininga si Kurt.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now