Sky POV...
May ibinigay na regalo sa akin ang Daddy ko nong 5 yrs old ako pero sa kasamaang palad ay nawala ko iyon hindi ko na alam kong saan ko naiwan o nalapag yon. Napagalitan din ako ng Daddy ko ng malaman nya na nawala ko yon, ang sabi ni Daddy ang bagay na yon ay galing kay Mommy kaya napakahalaga non sa akin pero nakakalungkot dahil nawala ko yon. Yon na nga ang iniwan sa akin ni Mommy pero nawala ko pa.
“ Tama na nga ang pag o-overthink ko, mag iisip na lang ako ng pangalan mo.”pumikit ako at nag isip isip. Nang maka isip na ako ng pangalan ay minulat ko ang mga mata ko, sa pagmulat ko nakakita ako ng roses, parang kuminang ang mata ko sa nakita ko. Ang bango at ang ganda.
“ For you.”kinuha ko sa kamay ni pres ang bouquet at inamoy amoy yon. “ You like it?”
“ Yeah.”
“ Nag uumpisa na akong ligawan ka sweetheart.”
“ Wala pa akong sinsabing papayag ako ha.”
“ Wether you like it or not, liligawan pa din kita.”
“ Ows, what if after 5 yrs kitang sagutin ha?”
“ Kahit ilang taon pa yan sweetheart.”binaba ko ang hawak kong bouquet at teddy bear. Pinisil ko ang magkabilaang pisnge nya.
“ Ang cute cute mo kapag nagseselos ha.”tinitigan nya lang ako. “ Napaka seryoso mo naman, gusto mo bang hug kita?”hayts! Ayaw magsalita. Niyakap ko na lang sya, naramdaman ko naman na niyakap nya din ako pabalik.
“ I love you sweetheart.”i smiled. Sa pagpapanggap namin ay sya ring panliligaw nya sa akin, hindi ko alam kong bakit nya ginagawa ito. Sa araw na pagpapanggap naming dalawa nahuhulog na pala sya sa akin? Pero hindi pa sapat yon para mahalin ko sya pabalik. Ayokong sagutin ka kaagad pres, mag s-stay ako sa tabi mo, magiging masaya ako kapag nandito ka sa tabi ko. Patunayan mo muna sa akin na mahal mo ako pres at kapag napatunayan mo na yon pwede na maging tayo.
“ Gumagaan ang pakiramdam ko sa yakap mo yeobo, gusto kong manatili sa tabi mo hanggang dulo.”mga ilang minuto din kaming nagyakapan ng bumitaw na ako. I see him while smiling.
“ Woah! Ang saya!”napatingin kami ni pres sa kalalabas lang, sila Zoey. Mukhang pagod sila ah.
“ Oh akala namin umuwi na kayong dalawa nandito pa pala kayo.”kinuha ko ang bouquet at teddy bear tsaka ako tumayo ako at lumapit sa kanila.
“ Mukhang nililigawan ka ulit ni Asher, Sky.”taas kilay na sambit ni Renz.
“ You really really like her Asher?”Zoey asked. Inakbayan nanaman nya ako, ang hilig nyang umakbay sa akin ang bigat bigat pa man din ng kamay nya -,-
“ Yeah Zoey, ayokong may ibang umagaw pa sa sweetheart ko.”
“ Bakit may aagaw ba sa pinakamamahal mo pres?”tanong ni Samuel.
“ Tama na nga, mag coffee na lang tayo sa coffee shop bago tayo umuwi.”sabat ko. Wala naman kasing aagaw sa akin e.
_____“ Asher ito lang ang masasabi ko sayo ha, oras na saktan mo yang kaibigan ko asahan mong ilalayo ko na yan sa'yo forever and ever. Ayokong igaya mo sa akin si Sky, Asher. Huwag na huwag mong lolokohin si Sky, Asher ako talaga ang mang bubugbog sayo tandaan mo yan ha.”astig talaga itong si Zoey.
“ O-okay I'll remember that.”napangiti ako at humigop ng coffee
“ Bat parang ang tahimik nyo ngayon, Renz at Samuel?”tanong ko sa dalawa, nagkatinginan naman sila.
“ Baka masuntok na kami ni pres nyan kapag nagsalita pa kami.”
“ Indeed..... let's go Sky.”
“ H-huh?”nilahad nya ang kamay nya sa harap ko.
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...