chapter nineteen

103 1 0
                                    

Sky Penni POV...

“ ano sasagot sagutin muna ako ha?”hindi na ako umimik pa dahil baka ano nanamang sabihin ni Tita tungkol sa Mommy ko dahil ang sakit pakinggan ang mga pinagsasabi nya tungkol kay Mommy na hindi naman totoo. “ huwag na huwag kang aalis dito hanggang hindi pa nag aalas dose, makikita kita sa CCTV.”dagdag pa ni Tita at tumayo tsaka naglakad paalis.

“ hayts! Imbis na makakapaghinga na ako heto ako ngayon pinaparusahan.”bagsak balikat kong saad. Kong nandito lang siguro si Mommy maganda ang buhay ko ngayon, pero hindi naman sa nagsisisi ako at nakilala ko si Tita Weenie at Yesha dahil alam ko balang araw malalaman din nila sa sarili nila na mali ang ginagawa nilang pagtrato sa akin.

KINABUKASAN.....

Nandito ako ngayon sa rooftop, inagahan ko talagang pumasok kanina dahil baka mapagalitan nanaman ako ni Tita Weenie. Bakit kaya nakakapagod mabuhay? Bakit kaya palaging may problemang pinagdadaanan? Nakakapagod na talaga, gusto ng sumuko ng katawan ko dahil sa pananakit ni Tita sa akin, pero ang puso't isip ko patuloy pa din na lumalaban. Napahikab nanaman ako, 4 hours lang ang tulog ko kaya aantukin ako neto. 6 pa lang naman kaya may oras pa akong matulog. Isinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit.

TIME SKIP

Nagising ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko. Gulat akong napatayo nang makita ko si pres. “ y-yeobo? Anong ginagawa mo dito?”tanong ko sa kanya, ngumiti lang sya at hinawakan ang kamay ko.

“ ikaw dapat ang tanungin ko sweetheart, bakit ka nandito? Tsaka napuyat kaba kagabi?”malambing na tanong ni pres sa akin.

“ a-ah g-gumawa ako ng assignment kagabi, kaya ako puyat.”nangunot naman ang noo nya. Ayy oo nga pala kaklase ko sya. “ m-mali, nag bonding kami ng Daddy ko kagabi, tama.”pagsisinungaling ko, napatango naman sya. Di pwedeng malaman nya ang totoo, panigurado namang wala syang paki-alam eh.

“ gusto mo bang mag coffee tayo sa labas meron pa namang oras eh.”nakangiti akong tumango at sabay kaming naglakad. Magka holding hands pa din kami habang naglalakad.

Nang makababa na kami sa hagdan ay nasalubong namin si Zoey na masama ang tingin sa akin. “ mag c-coffee lang kami, hindi ko naman pababayaan itong kaibigan mo.”bumaba ang tingin nya sa kamay namin ni pres.

“ Zoey nandito ka lang pala.”saad ni Kurt at lumapit kay Zoey.

“ ikaw Asher, pagsabihan mo nga itong kaibigan mo na tantanan ako kanina pa ako sinusundan neto.”mainit nanaman ang ulo ng kaibigan ko.

“ pangalawang beses pa lang naman eh.”

“ anong pangalawang beses ha?”

“ totoo naman.”

“ sampung beses na kaya.”

Habang nag-aaway silang dalawa ay palihim kaming umalis ni pres, na kay Kurt na ang atensyon ni Zoey eh.

“ ang ingay nilang dalawa.”sambit ko.

“ sinabi mo pa.”
_____

“ masarap ba?”

“ hm masarap.”saad ko ng maubos ko na ang kape. “ may tinda namang kape sa cafeteria pero bakit dito pa tayo nagkape sa labas?”

“ mas masarap kasi ang kape nila dito kesa sa cafeteria iisa lang ang kape, hindi kagaya dito may iba't ibang klase ng kape. May Irish, Coffee Amaretto, Expresso Panna, Flat white at iba pa.”may point din sya, ang coffee nga pala na ininom namin ay Coffee Amaretto first time kong uminom ng kape na Coffee Amaretto.

“ tara na malapit ng mag-umpisa ang klase.”sabay kaming tumayo ni pres at naglakad. Bago kami lumabas ay binayaran nya ang coffee.

FAST FORWARD

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now