chapter eight

139 1 0
                                    

KINABUKASAN

Yesha Penni POV...

“ sweety ang aga aga nakabusangot ka.”saad ni Mommy kaya bumusangot ako lalo. Tumayo si Mommy sa upuan nya at tumabi sa akin. “ alam mo bang nakaka pangit ang pagbusangot anak?”tinignan ko si Mommy.

“ totoo ba yan Mom?”tanong ko, nakangiting tumango si Mommy kaya pilit akong ngumiti. “ ayan Mommy ayos na po ba?”

“ ang ganda ganda talaga ng anak ko manang mana sa akin.”

“ syempre Mommy.”

“ Good morning po Tita Weenie at Yesha.”nabaking ang atensyon namin ni Mom kay Sky.

“ bakit nandito ka pa?”taas kilay na tanong ni Mommy kay Sky.

“ a-ah mag papaalam lang po sana ako.”

“ hindi muna kailangang mag paalam Sky, nakabukas ang pinto pwede ka ng umalis kahit kailan mo gusto.”mataray kong saad. Ngumiti sya ng tipid at umalis.

Renz Corpuz POV...

“ Ms Sky.”salubong ko kay Sky. Napatingin sya sa akin, isinarado nya muna ang kotse nya at nakangiting lumapit sa akin.

“ Renz maaaring Sky na lang?”

“ hm M—Sky.”nagtaka ako ng makita ko ang pisnge nya na may bandage. “ Sky anong nangyari dyan sa pisnge mo?”nagtataka kong saad.

“ hindi ko sinasadyang matusok ng stick kahapon.”saad nya at naglakad sumunod naman ako sa kanya.

“ ah ganon. Kumain ka na ba ng umagahan Sky, feeling ko kasi hindi ka pa kumakain kasi parang ang tamlay mo kahit na nakangiti ka.”panandalian syang tumingin sa akin at agad ding tumingin sa daan.

“ marunong ka palang magbasa ng tao Renz. Ikaw ba kumain ng umagahan?”tama nga ako.

“ hindi pa din Sky, kaya tara sa cafeteria kain tayo.”
_____

Habang kumakain kami ay nakita ko si Yesha na papalapit sa amin kasama nya ang kaibigan nya. “ Sky andyan nanaman ang kapatid mo na masama ang ugali.”bulong ko kay Sky.

“ kaya pala ayaw mong kumain sa bahay kasi gusto mong ilibre ka ng isang campus crush. Ang landi landi mo naman Sky hindi ka lang mahiya sa kanya.”biglang nagsipasukan ang ibang mga estudyante dito sa cafeteria.

“ Hala mandi daw si ate.”

“ ano ‘to love triangle?”

“ kaya nga ang landi landi naman ng babaeng yan, pati crush ko dinadamay nya hindi ba nya alam na pagmamay-ari ko ang kinakasama nya.”feelingera. Tumayo ako at tinignan ko ang nagsabi na pagmamay-ari nya daw ako.

“ dahan dahan lang sa pagsasalita Ms dahil ikaw ang malandi at isa ka ding feelingerang baba, satingin mo ba magugustuhan ko ang isang tulad mo?”dahan dahan syang yumuko. Ayos lang naman na sabihin nila na pagmamay-ari ako pero ayaw ko na sasabihan nilang malandi si Sky.

“ o ano? Bakit hindi ka pa tumayo dyan Sky, pinagbubulungan kana nga sinusulit mo pa. Inilalabas mo ang tunay mong kulay nyan Sky.”hinawakan ko ang kamay ni Sky kaya naman tumayo sya.

“ pag inggit pikit.”bulong ko kay Yesha at umalis na kami ni Sky.

TIME SKIP

“ nakakadalawa na yang kapatid mo sayo.”

“ hayaan mo na lang sya. Salamat nga pala sa pagkain kanina nabusog ako.”Sky said and smile.

“ welcome. Btw bakit hindi mo kasama si Zoey?”palagi silang magkasama pero ngayon hindi.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now