chapter twenty four

88 1 0
                                    

Sky Penni POV...

Gosh!! Paano na lang kaya kong pumasok si Zoey noong araw na kinuha ni pres sa akin ang unang halik ko? Malalagot talaga si pres kay Zoey, umaasta syang lalaki hindi nya gusto ang nakikita nya, naririnig etc.

" Zoey calm down, ok?"inis na inalis ni Zoey ang kamay ni Kurt sa braso nya. Nakakatakot talaga itong si Zoey jusko!

" huwag mo ng uulitin yon Asher mabubugbog na talaga kita!"

" eh Zoey nah-"

" I want to go home now. Magkita kita na lang tayo bukas ng gabi sa park kong saan tayo nagpupunta dati, sunduin niyo na lang din si Sky."saad ni Tristan at umalis na. Nang-iwan?

" magsi-uwi na din tayo."saad ko at naglakad na ulit kami.

TIME SKIP

" Kamusta ang pakikisama mo kay Yesha?"sasagot na sana ako ng may sumabat sa likuran ko.

" Mom, hindi okay. Umpisa palang hindi na ako pinagtatanggol nyan sa mga kaibigan nya pati na din kay Asher na BOYFRIEND nya."

" Yesha."tumingin sya sa akin at inirapan ako.

" binabalaan kita Sky oras na masaktan ang anak ko, sasabihin ko lahat ng ito sa Daddy mo."pambabanta ni Tita dahilan para matakot ako.

" hindi ko po hahayaang masaktan si Yesha Tita pangako po."nanginginig sa takot kong saad. Napangiti naman si Tita.

' Naiintindihan kita Tita pero Tita paano naman po ako? 'saad ko sa aking isipan at napayuko.

" that's good Sky, pumunta kana sa kwarto mo."

" sige po Tita.
__________

" Mina, ano kayang pakiramdam na pinoprotektahan ka ng magulang mo?"nandito ako sa balcony pinapanood ang mga bituin sa langit. Nagulat ako ng yakapin ako ni Mina.

" arf! arf! arf!"niyakap ko din si Mina at ngumiti ng malawak. Alam kong naiintindihan ako ni Mina at ngayon sigurado akong cinocomfort nya ako ngayon. Kong naging tao sana sya at dito palagi sa tabi ko, masayang masaya na ako non dahil may kasama ako dito sa bahay na kakampi ko. Si Daddy bihira na lang tumawag, miss na miss ko na din sya. Alam ko na puntahan ko na lang sya sa company bukas.

" salamat Mina, I love you."hinalikan ko sa noo si Mina."

KINABUKASAN.....

" Good morning po Tita, Yesha."

" san punta mo at bihis na bihis ka?"

" sa company po Tita, gusto niyo po bang sumama?"

" mabuti naman at naisipan mo kaming tanungin hindi katulad noon na hindi ka nagpapa-alam kay Mommy."

" sasama kami, maghintay ka dito at amgbibihis lang kami."

" sige po Tita."

TIME SKIP

" tara na po Ti-"hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng lagpasan nila akong dalawa. Bago sila tuluyang makalabas ay sumulyap muna sa akin si Yesha at ngumisi.

Hayts! Okay lang yan Sky.

FAST FORWARD

Kakatok na sana ako dito sa labas ng pinto ng office ni Daddy ng marinig ko ang tawanan nila. Napabusangot ako dahil ang saya saya na nila, feeling ko mas nawawala ang pagod ni Daddy kapag nakikita nya sila Tita Weenie kesa sa akin. Napabuntong hininga ako at ngumiti ng tipid. Hindi na siguro ako papasok pa baka masira ko lang ang tawanan nila sa loob. Wala sa sarili akong naglakad paalis.
_____

" san na ako pupunta ngayon? Maaga pa, hindi naman pwedeng ayain kona sila Zoey na kumain ng street food para lang hindi ako mag-isa."napaisip isip ako kong saan pwede akong pumunta. " alam ko na!"napangiti ako at pinaandar ko na ang kotse ko at umalis.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now