Samuel Thor POV...
“ fine Zoey papaali—”
“ guys kailangan pala ako ng Mommy at Daddy ko sa company mauuna na ako.”saad ni Kurt at ngumiti ng tipid tsaka naglakad. Bago sya makalabas ay may kong ano pa syang binulong kay Asher. Paniguradong nasaktan sya. Siguro karma nya ba din yon dahil sya naman ang may kasalanan ng lahat kong bakit sila naghiwalay ni Zoey.
“ yeobo s-sorry nga pala sa ginawa ni Zoey.”paghingi ni tawad ni Sky kay Asher. Naglakad si Zoey at naupo sa upuan nya.
“ it's ok sweetheart.”binulungan siguro sya ni Kurt na huwag patulan si Zoey at huwag syang paalisin. May favoritism ang pres namin ha. Sila kasi ang unang naging kaibigan kaya siguro ganoon pero syempre mahal din kami nyan. Di pwedeng si Kurt lang noh, kapag ganoon masasapok ko talaga sya kahit pa naging kaibigan ko sya.
“ Sky maupo kana dito.”sinunod agad ni Sky ang utos ni Zoey.
“ Zoey iimbitahan mo ba kami sa birthday ni Tita Lily?”sa linggo na ang birthday ni Tita Lily noong magkakasama pa kami sa tuwing birthday ni Tita Lily at Tito Glen at tsaka sya ay iniimbitahan nya kami pero ngayon ewan ko lang sa kanya. Last year noong huling iniimbitahan nya kami. So one year na ang nakaraan na hindi na namin sya kaibigan.
“ no Samuel si Sky lang ang nag iisang bisita namin.”
“ pero Zoey namimis nanamin si Tita at Tito.”—Renz.
“ Kilala niyo ang parents ni Zoey? Tsaka bakit niyo alam na birthday ni Tita Lily sa linggo? Alam ko na may nakaraan kayo pero bakit pati ang mga iyon ay kilala at alam niyo?”
“ dati kaming magkakaibigan Sky kaya alam nila.”pag-amin ni Zoey.
“ magkakaibigan kayo?”
“ dating magkakaibigan Sky.”pagtatama ni Zoey.
“ pero bakit ngayon hindi na? May nangyari bang hindi maganda sa pagkakaibigan niyong anim?”tanong ulit ni Sky.
“ oo meron pero Sky ayoko nang malaman mo pa yon ayoko na ding balikan ang nakaraang yon. Buong buhay ko ang pagiging kaibigan ko sila ay isang malagim at maitim na nangyari sa buhay ko. Noong pahanon na iyon ay nagsisisi akong makilala sila hanggang ngayon. Kong pwede nga lang na mag-aral ako sa ibang lugar gagawin ko kaya lang dumating ka kaya hindi ko na gagawin yon puwera na lang kong papaalisin ako dito.”so nagsisisi pala sya na maging kaibigan kami, nadamay pa kami sa pinag gagawa ni Kurt. Sa isang taon na pagsasama naming anim, pinagsisisihan nya palang maging kaibigan kami. Masakit palang masabi yon ni Zoey sa amin dahil naging kaibigan namin sya hanggang ngayon din naman tinuturin pa din namin syang kaibigan ni Renz dahil importante din sya sa amin. Pero iba na sya, hindi na nga maibabalik ang dati.
“ pero Zoey pwede namang kalimutan mo ang mga nangyayari sa inyo. Mag simula ulit kayong magkakaibigan diba? Maswerte ka nga dahil naging kaibigan mo sila mababait at maalaga pa.”
“ Sky paano ko makakalimutan yon eh makita ko nga lang si K—silang lima naaalala ko na ang nangyari. Tama na ang katatanong tungkol sa nakaraan namin Sky please? Tsaka kayong dalawa tatlo na chismoso magsi-upo na kayo samahan niyo yong pinuno nyong paepal.”nagkatinginan kaming tatlo. Ang lungkot ng hitsura ni Renz sya pa man din ang fav ni Zoey noon.
“ sorry sa pakikinig.”saad ni Renz at ngumiti ng peke tsaka umalis.
“ umaasa ako na babalik ang dating Zoey na nakilala ko."seryosong saad ni Tristan at sumunod kay Renz.
“ h—”
“ maupo ka na din sa upuan mo Samuel ayoko ng maingay.”walang emosyong turan ni Zoey.
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...