forty six

41 0 0
                                    

Luna POV...(your author)

“ ok, pagpasyahan niyo na kong sino sainyong mag partner ang magtatago at maghahanap.”saad nang kanilang prof.

“ ako na lang ang maghahanap sayo Farrah.”

“ alangan naman Samuel ,tsss.”
_____

“ ikaw maghanap sa akin ha.”mataray na saad ni Yesha.

“ of course.”sagot ni Renz.
_____

“ oo, alam kong ikaw ang maghahanap, syempre ang hirap kayang maghanap, baka kong saan saan pa kita hanapin kapag ikaw nag tago e.”masungit na sambit ni Zoey.

“ madali lang naman ako mahanap e.”nakangising turan ni Kurt.

“ bakit saan ka ba magtatago kapag ako ang naghanap ha?”taas kilay na tanong ni Zoey.

“ to your heart.”pagbibiro ni Kurt.

“ bakit papayag ba akong magtago ka sa puso ko ha?”umirap si Zoey at palihim na napangiti.

“ kahit na hindi ka pumayag papasok pa din ako dyan sa puso mo.”bulong ni Kurt.
_____

“ I will find you, Xylene.”

“ bakit, hindi naman ako aalis ha? Bakit kailangang hanapin mo pa ako? Hindi mo na kailangang hanapin ako dahil.........nasa tabi mo ako palagi.”mahina ang pagkabigkas ni Xylene sa mga huling katagang sinabi nya.

“ because what?”

“ ah wala.”ngumiti ng palihim si Xylene.

‘ ang bingi mo naman para hindi marinig, e nandito lang naman ako sayo e. ’saad ni Xylene sa kanyang isipan.
_____

“ ako na mag hanap sayo, gusto mo?”parang tomboy na tanong ni Sky kay Asher.

“ no. Ako ang maghahanap sayo. Ang pangit naman kong ikaw ang maghahanap sa akin tsaka sila Renz babae ang magtatago sa kanila kaya dapat lang na ikaw din ang magtatago at ako ang maghahanap sayo kahit saan ka magtago sisiguraduhin kong makikita din kita. Kahit saang lugar pa yan Sky, hahanapin kita kahit sa ibang ban—”

“ opss! Tama na yan, iba na yan Asher ha. Okay ako na magtatago.”saad ni Sky.

‘ gag0ng toh, kong saan saan napupunta ang topic. May nalalaman pang hahanapin ako kahit saang lugar o kahit sa ibang bansa pa daw. Sus Asher! Hindi mo ako madadala sa ganyan mo, tignan mo isang ganyan mo pa iuuntog talaga kita. ’saad ni Sky sa kanyang isipan.

“ OKAY! PIRINGAN NIYO MUNA ANG INYONG MGA PARTNER NA MAGHAHANAP SAINYO, MAY IBIBIGAY SAINYONG PANYO!”

Isa isang binibigyan ni Jen ang mag partner ng panyo. Matapos nyang magbigay ng panyo ay piniringan na nang magtatago ang kanilang partner na maghahanap sa kanila.

“ Sky ang sikip naman!”reklamo ni Asher kay Sky.

“ eh ang gag0 mo kanina e, kaya desurv mo lang yan para hindi mo ako mabilis mahanap para maparusahan tayo.”ngising saad ni Sky.

Matapos piringan ni Sky si Asher humarap si Asher kay Sky.

“ gusto mong maparusahan tayo?”natahimik nang sandali si Sky.

“ o-oo.”nauutal nitong sagot.

“ alam kong ayaw mong maparusahan kaya hahanapin kita agad Sky, pangako hindi tayo mapaparusahan.”

“ hmm okay.”nakangiting saad ni Sky at ngumiti din si Asher kahit hindi nya makita si Sky.

“ PAGKATAPOS NIYONG PIRINGAN ANG MGA PARTNER NIYO PWEDE NA KAYONG MAGTAGO, PWEDE KAYONG MAGHANAP NG KASAMA NIYONG MAGTAGO, PERO KAPAG NAHANAP NA ANG KASAMA MONG MAGTAGO AY DAPAT HUWAG NIYO SIYANG ITUTURO SA PARTNER NYA. PAALALA KONG SEGUNDO NIYO LANG MAHANAP ANG MGA PARTNER NIYO MAAARI KAYONG MAPARUSAHAN!”

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now