Zoey POV...
Tsk! Bakit si Kurt pa kong pwede namang si Sky? “ o may problema ba Zoey?”
“ meron.”mataray kong sagot.
“ ano?”
“ bakit ikaw pa ang naging partner ko?”
“ bakit ako? Hindi ba't matagal na tayong mag partner? Nahinto lang pero partner na ulit tayo.”iniwasan ko sya ng tingin. Gag0ng toh ha! Iba naman ang sinagot, pshhh!
“ HUWAG KAYONG MAILANG SA MGA KAPARTNER NIYO! TANDAAN NIYO KAPAG HINDI KAYO NAGKASUNDO NG MGA PARTNER NIYO BAKA HINDI KAYO MAKAALIS SA GUBAT! KAILANGAN NIYONG MAGTULUNGAN PARA MAKARATING SA FINISH LINE! ITO ANG UNA NIYONG ACTIVITY NA GAGAWIN KAYA MAG IINGAT KAYONG LAHAT SA GUBAT! SANA MAGING MAAYOS ANG ACTIVITY NA INYONG GAGAWIN! HIHINTAYIN NAMIN KAYO SA FINISH LINE! MAY IBIBIGAY NA MAPA SA INYO SI MS JEN YAN ANG MAPA NA SUSUNDAN NIYO PARA MAKARATING SA FINISH LINE. MALAYO LAYO YAN KAYA MATATAGALAN KAYONG MAKARATING SA FINISH LINE!”sigaw ng isa sa mga prof namin, may ibinigay na mapa sa amin si Vp, isa sa dalawang partner.
“ oh, ikaw na maghawak nyan!”binigay ko kay Kurt yong mapa.
“ bakit ba bad mood ka Zoey?”tsk!
“ wala!”
Luna POV...(your author)
“ TAYO NA SA GUBAT! SIGURADUHIN NIYONG MAY DALA KAYONG FIRST AID KIT, PAGKAIN AT INUMIN!”sigaw ng isa sa mga prof nila.
“ YES PROF!”sabay sabay na sagot lahat ng mga estudyante. Sama sama silang naglakad papunta sa gubat.
____________________RENZ AND YESHA
“ huwag ngayon Yesha.”saad ni Renz.
“ eh sa ayaw kitang kapartner e, anong magagawa mo?”
“ tsk!”
“ 1.......2........3......GO!”
Lahat ng mga estudyante ay pumasok na sa gubat, magkakaiba sila ng dinaanan bawat partner para kong makarating ang isang partner hindi sila mauunahan ng isa pang partner.
“ hayts ang dumi naman dito! Ang dami pang dahon!”sambit ni Yesha habang nandidiri sa paligid nya.
“ saan ka ba nakakita ng gubat na hindi madumi at madahon?”tanong ni Renz. Inirapan lang sya ni Yesha.
“ dalhin mo nga itong bag ko, masakit na kasi ang balikat ko.”utos ni Yesha ngunit si Renz ay naglakad na. Padabog na sumunod si Yesha.
“ dalian mong maglakad, kong ayaw mong maiwan!”inis na inis na tumakbo si Yesha para habulin si Renz.
Hingal na hingal si Yesha nang maabutan nya si Renz. “ t-teka lang.”pagod na pagod na sya kaya napahawak ito sa dulo ng damit ni Renz. Naupo si Yesha sa lupa at hinahabol ang kanyang hininga.
‘ tsk! Wala pa kami sa gitna pagod na agad sya? Walang kwentang kapartner toh ha. ’saad ni Renz sa kanyang isipan.
Tinanggal ni Renz ang kamay ni Yesha sa damit nya at tinabihan nya itong umupo. Inabutan nya ng tubig si Yesha na agad kinuha ni Yesha at ininom. “ kahit ngayon lang alisin mo muna ang pagiging masungit mo baka gabihin na tayo dito ng dahil lang sa pagtatalo nating dalawa.”seryosong saad ni Renz.
“ hayts! Oo na!”sagot ni Yesha. Napangiti si Renz dahil don.
“ ano tara na?”tanong ni Renz kay Yesha habang nakangiti.
“ oo.”tumayo si Renz, tinulungan nyang tumayo si Yesha. “ bagalan mo na lang maglakad, mabilis akong mapagod.”aniya.
‘ ok na sana e. ’saad ni Renz sa utak nya.
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...