chapter twelve

144 2 0
                                    

Samuel Thor POV...

“ good morning Mrs Chavez.”napahinto sa paglalakad si Sky ng sabihin ko iyon.

“ soon to Mrs Chavez, Samuel.”pagtatama ni Renz sa sinabi ko.

“ tigilan niyo si Sky Samuel at Renz hindi nakakatuwang biro yan.”

“ ayy ayy ayy dumaldal kana Tristan ha.”

“ you don't care Samuel.”malamig nyang saad.

“ palagi kabang tahimik Tristan?”

“ palagi nga Sky, nasa isang sulok lang sya habang nakikinig ng music o nagbabasa ng libro kapag nandito kami sa University.”napatango tango si Sky.

“ so ikaw na si Tristan, Samuel?”tanong ni Kurt.

“ A-ah e-eh.”kamot ulong saad ko. Pinagtutulungan ako ng dalawang ito ha.

“ Sweetheart.”saad ni Asher nakakapasok lang dito sa room.

“ nandito na ang taong kanina pa hinihintay ni Sky.” turan ni Renz.

“ hinihintay mo ba ako sweetheart?”inakbayan nanaman ni Asher si Sky ng makalapit sya kay Sky. Grabe! Ang sakit naman sa mata ng dalawang ito.

“ a-ah o-oo h-hinihintay kita.”nauutal na sagot ni Sky.

“ o ngayon na nandito na ako wala bang good morning kiss dyan?”

“ Asher hindi kaba nahihiya na sinasabi mo yan sa harapan namin?”tanong ni Tristan.

“ tsk. May kasalanan ka pa sa akin Tristan kaya mahahimik ka dyan.”masungit na turan ni Asher Kaye Tristan. Picture lang naman yon kasalanan na agad? Nakakaloka talaga itong si Asher.

“ t-tama si Tristan As—yeobo mahiya naman tayo sa kanila tsaka w-walang good morning k-kiss.”saad ni Sky at mabilis na inalis ang kamay ni Asher sa balikat nya at naupo sa upuan nya.

“ see?”

“ tsk. Umepal ka kasi.”galit na si pres.

FAST FORWARD

“Ashe—”

“ hindi kami sasabay sainyo ng sweetheart ko sa labas kami kakain.”pagtuloy ni Asher sa sasabihin sana ni Tristan. This is the first time na sa labas sya kakain, hindi na kami ang unang una kay Asher si Sky na. Hindi naman sa ayaw ko na maging sila ni Asher, masaya ako at nakita nya na ang babaeng mamahalin nya pero syempre may halong lungkot kasi si Sky na lang ang bukang bibig nya pero ayos lang naman sa akin.

“ ha?”

“ huwag ka ng magtanong kong bakit sweetheart. Mag d-date tayo sa labas. Let's go!”tinulungan ni Asher si Sky na mag ayos ng gamit nya. “ tapos na. Tara na.”

“ S-sure ka?”hinila bigla ni Asher si Sky palabas dito sa room.

“ mapilit si Asher.” iling iling na saad ni Tristan.

“ anong plano niyong dalawa Kurt at Renz?”takang tumingin silang dalawa sa akin. “ mag s-stay lang ba kayo dyan o maglalakad?”taas kilay kong tanong sa kanilang dalawa.

“ hehehe.”

“ heto na nga maglalakad na.”saad ni Kurt at sabay silang maglakad ni Renz sumunod na din ako pero napahinto ako ng hindi sumunod si Tristan.

“ Tristan?”—Kurt.

“ naiingit ka ba sa dalawa Tristan? Kong gusto mo hanapan kita.”turan ni Renz at ngumiti na parang aso. Kong ano-ano ang nginingiti ngiti nya, lahat naman hindi bagay sa kanya mukha paring paa BWAHAHAHA.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now