Sky Penni POV...
“ p—”
“ suutin mo na yan baka magkasakit ka pa. Btw sa mansion muna namin ikaw tumuloy dahil malapit lang dito ang mansion namin.”
“ s-sige.”saad ko at sinuot ang jacket. Pinaandar nya na ang makina at pinaharurut na ang sasakyan namin. “ pero Tristan baka ikaw naman ang magkasakit nyan.”panandalian syang sumulyap sa akin at ngumiti lang. Pangalawang beses na ito, tinulungan nya akong makauwi noon tapos ngayon nandito ako sa loob ng kotse nya. Pero ang swerte ko dahil nandito sya.
TIME SKIP
“ heto tubig na mainit para mawala ng tuluyan ang nararamdaman mong lamig.”iniabot ko ang baso na may lamang tubig sa kamay ni Tristan at ininom yon.
“ salamat dito.”saad ko at inilapag ko ang baso sa lamesa.
“ welcome. Manang!”may pababa mula sa hagdan na matanda.
“ oh ijo bakit ngayon ka lang?”tanong ng babaeng matanda ng makalapit sa amin. Taka itong tumingin sa akin. Tumayo ako at nginitian sya. “ sino sya ijo? Girlfriend mo ba?”
“ ay hindi po manang, kaibigan nya po ako.”sagot ko kahit hindi ako ang tinatanong.
“ she's right manang, she's not my girlfriend she's taken.”napatango tango naman si manang. “ Manang sya po si Sky Penni, Sky sya naman si manang Lorna.”saad ni Tristan.
“ napakaganda naman ng iyong pangalan ija.”
“ ganoon din po kayo manang Lorna.”saad ko na nagpatawa ng mahina kay manang.
“ manang, maaari niyo po ba syang hanapan ng maisusuot? Nabasa po kaming dalawa sa ulan, baka magkasakit pa si Sky.”
“ sige ijo. Sky halika na't sumama sa akin at ng makapagpalit ka.”saad ni manang at naunang naglakad.
“ salamat Tristan.”pagpapasalamat ko kay Tristan bago sumunod kay manang.
_____“ ija tapos kana bang magpalit?”tanong ni manang mula sa labas ng pinto.
“ ah opo manang.”saad ko ng matapos akong magbihis. Inilagay ko ang damit sa binigay na paper bag sa akin ni manang. Medyo tuyo naman na ang damit ko kaya hindi masisira ang paper bag. Binuksan ko ang pinto bumungad sa akin si manang at Tristan.
“ wow ija! Bagay na bagay sayo ang crop top at pants.”
“ a-eh h-hindi nga po ako sanay eh.”galing kay manang ang crop top na suot ko, ang crop top daw na ito ay dati nyang sinusuot noong dalaga sya.
“ gusto mo pa bang magpalit ng ibang damit?”
“ hindi na, sabi nga ni manang bagay sa akin kaya ayos na ito.....kahit na hindi ako sanay.”
“ mabuti ija, ang ganda ganda mo kaya.”
“ btw Sky, hindi pa din humihinto ang ulan gusto mo bang dumito muna.”
“ sige.”saad ko na nagpangiti kay Tristan.
____________________Maggagabi na ngunit hindi pa din tumitila ang ulan at ang lakas lakas pa din. “ nabobored ka ba?”
“ uhm....oo na medyo.”saad ko, napatawa naman sya ng mahina.
“gusto m—”
“ kaya pala, hindi mo pinapansin mga text ko Tristan kasama mo pala si Sky.”nagulat kaming dalawa ni Tristan ng magsalita si Samuel. Nandito silang apat! Napatayo kaming dalawa ni Tristan. Muntik na ako matumba ng hawakan ni Tristan ang kamay ko.
“ ow!”sigaw ni Renz at Samuel. Masamang tumingin sa amin si pres.
“ Tristan, bitawan mo ko.”bulong ko kay Tristan na agad nya namang sinunod.
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...