sixty two

52 1 0
                                    

..........MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN..........

Renz POV...

Isang buwan na ang nakalipas. Kailangan ko na lang tanggapin na ikakasal na nga ako sa taong hindi ko mahal. Kahit masakit at labag sa kalooban ko susundin ko na lang ang gusto nila, ayokong umabot pa sa pat*yan ito. Iniisip ko kapag hindi ako sumunod sa kanila baka idamay nila ang mga taong malapit sa akin, ayokong may mapahamak nang dahil lang sa akin.

Bumangon ako sa kama ko. Agad kong kinuha ang cp ko at tinext ang mga kaibigan ko, gusto kong makasama sila bago ako ikasal mamayang gabi. Baka ito na din ang huling araw na makita ko sila dahil pagkatapos na pagkatapos nang kasal namin ni Shen Xhie, pipilitin na nila kaming umuwi sa China.

Tinext ko din si Yesha pero 1:00 pm. Sa isang buwan na pagsasama namin ni Yesha, kahit papaano ay naging masaya ako kasama sya. Actually I have a crush on her pero pipigilan ko ang sarili ko na lumala pa ito dahil hindi naman talaga kami ang para sa isa't isa.

Agad ko sinagot ang tawag ni Samuel nang makita ko ito.

[Bro, anong nakain mo? For the first time mang treat ha?]

Nang-aasar nanaman.

Yeah, hindi kapani-paniwala na ako ang manlilibre sa kanila, dahil never ko silang nilibre, sa kanila lang ako nagpapalibre. Syempre nakukulangan din ako nang pera minsan, hindi na kasi ako humihingi sa parents ko.

“ Tumawag ka lang ba para asarin ako?”i asked him, I heard that he laughed.

[Sige na ibababa ko na baka bawiin mo.]

Binaba na nya ang tawag. Mamimiss ko sila, lalong lalo na ang masasayang ginagawa namin.

Tumayo ako at kinuha ang tuwalya ko tsaka pumasok sa bathroom.

TIME SKIP

Matapos kong magbihis lumabas na ako sa condo ko

FAST FORWARD

“ Kanina pa kami naghihintay dito.”saad ni Samuel. Kompleto na kami.

“ Kanina pa kayo dito?”tumango tango sila.

“ Inunahan kana namin baka mainip ka kakahintay sa amin dito.”sambit ni Zoey.

“ Happy birthday Renz!”ewan sayo Sky.

“ Thank you Sky.”sabayan ko na lang sya. HAHA!

Sunod sunod naman na nila akong binati, ano ba yan!

“ Tama na nga, tara na pumasok sa loob, nagsasayang lang tayo nang oras dito.”saad ko.

Nauna na akong pumasok dito sa restaurant at sumunod naman sila. Nauna na kami.

“ Mag order na kayo.”saad ko. Kahit papaano ay may naipon din akong pera panlibre sa kanila.

“ Waiter!”pagtawag ni ate Farrah sa waiter.

Nag-order na sila ganon din ako. Maya maya pa dumating na ang order namin. Kumain na kami nang tahimik hanggang sa mag-ingay nanaman si Samuel.

“ Renz kailan mo pa kami ipapakilala sa girlfriend mo ha?”girlfriend na ang tawag nila kay Yesha hindi gaya dati na babae ko lang. Kasi palagi akong umaalis minsan at pinupuntahan si Yesha kaya tawag na nila girlfriend ko daw.

“ Anniversary nyo ata ngayon kaya ka nanlilibre.”saad ni Sky.

“ Hindi ba birthday ko?”mahina silang tumawa.

“ Oo nga pala HAHA!”sabay sabay nilang saad at tawang tawa syempre nakisabay na din ako sa kanila.

“ Oh sya tama na, lalamig na pagkain natin nyan e.”saad ni Xylene. Huminto na kami sa kakatawa at kumain na habang nag-uusap syempre.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now