Kurt POV...
“ anak, ang bakery na yon ay hinuhulugan lang namin ng Papa mo nagsinungaling kami sayo anak na sa atin na yon, nagawa lang namin yon anak dahil ayaw namin ng Papa mo na mag-alala ka sa amin dahil wala kaming mahanap na trabaho. Anak noong nagtagal na ang bakery shop na yon sa amin ay bumaba ang kita namin kaya wala kaming pangbayad noong pinuntahan kami ng may-ari kaya binawi na sa amin yon anak.”
“ Ma!”napaluha si Zoey sa kanyang narinig at tumayo. “ paano nyo nagawang magsinungaling sa akin Ma?!”tumayo ako at hinawakan ko ang kamay ni Zoey.
“ Zoey calm down, narinig mo naman ang sinabi ni Tita hindi ba? Nagawa nya yon dahil ayaw ka nyang mag-alala sa kanila.”sambit ko, tinitigan nya lang ako at bigla na lang umalis.
“ Tita susundan ko lang po sya.”tanging tango lang ang sgaot ni Tita. Nagtungo ako sa kwarto ni Zoey na saktong nakabukas ang pinto. I saw her while crying.
“ b-bakit? */sniff bakit k-k-kailangan p-pang magsinungaling */sob sila sa akin?”pumasok ako sa kwarto nya at tinabihan ko sya.
“ walang tao sa mundo ang hindi magsisinungaling para lang hindi masaktan ang isang tao, lahat ng tao sa mundo ay naranasan ng magsinungaling. Tulad ko nagawa kong magsinungaling sayo at lokohin ka. Pero syempre nagsisisi din kaming nagsisinungaling dahil doon naman pupunta yon e. Hindi ka dapat magalit sa kanila Zoey magulang mo sila, gagawin nila ang lahat para lang sayo, para lang hindi ka mag-alala sa kanila kong may hanap-buhay ba sila o wala.”
“ pero m-masakit Kurt.”
“ pero mas masakit kong patuloy pa din nilang tinatago sayo ang lihim na yon.”napahinto sya sa kakaiyak nya at naramdaman kong nakatingin sya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya.
“ t*nginamo Kurt mas masakit ng pinaalala mo yong nakaraan. Lumayas ka sa harapan ko!”binatukan nya ako ng unan kaya napatayo ako.
“ pero.......”
“ layas! hindi kita kailangan dito!”akala ko okay na hindi pa pala -_- galit syang tumayo mula sa pagkakaupo nya sa kama nya. “ huwag mong hintayin na ipag tabuyan pa kita Kurt! Layas!”sa oras na yon ay kumaripas na ako ng takbo, nakita kong lumabas nanaman ang sungay nya e.
“ anong nangyari bakit sumisigaw si Zoey?”tanong ni Tito na kalalabas lang mula sa kwarto nila ni Tita.
“ Pa, sinabi ko na sa anak natin ang totoo ngayon ay galit sya sa ginawa natin.”pagod na sambit ni Tita Lily.
“ Tita hindi po galit si Zoey sadyang nasaktan lang po sya ng malaman nya pong nagsinungaling kayo sa kanya.”napabuntong hininga si Tito. “ don't worry po babawiin ko po yong bakery niyo.”
“ nako Kurt huwag na nakakahiya naman sayo, marami ka ng naitulong sa amin noon kaya sapat na yon.”turan ni Tito ngunit ngumiti lang ako.
“ mahalaga po kayo sa akin Tita, Tito kaya kong mahalaga po sainyo ang bakery shop na iyon ay bibilhin ko po para sainyo at kay Zoey. Huwag na po kayong mahiya sa akin Tita, Tito ganito po dapat ako sa inyo dahil magiging Papa at Mama ko na po kayo soon.”
“ anong....mama at papa ang pinagsasabi mo, hindi ko na ipagkakatiwala pa sayo ang anak ko Kurt.”seryosong turan ni Tito.
“ I still love her Tito.”
“ wala a—”
“ tama na nga, naniniwala ako kay Kurt Pa, hindi mo ba nahalatang ang laki ng pinagbago nya Pa?”
“ Tito I'll never hurt her again, I'll promise.”nginitian lang ako ni Tita. “ hihintayin ko na lang po ang isasagot niyo Tito, mauuna na po ako at aasikasuhin ko po ang bakery shop niyo.”
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...