fifty six

47 0 0
                                    

Sky POV...

Sasagot na sana ako nang bigla kong maalala ang nangyari kahapon.

FLASH BACK

Habang seryoso akong nakatingin dito sa hawak kong cup na may laman na kikiam may nabangga ako, malakas ang pagkakabangga ko sa kanya kaya napahiga kami. Hayts! Bakit ba humarap itong si Asher. Tsk! Nakapatong tuloy ako sa kanya. Ang tingin ko ay nasa kikiam, mabuti na lang at hindi ko na tapon, sayang kasi 20 pesos ito. Paglingon ko kay Asher, nanlaki ang mga mata ko. Omyghad! H-hinalikan ko sya?! Natauhan ako nang bigla nya akong halikan pabalik kaya kinagat ko ang labi nya dahil hindi ako makahinga, ayaw din pakawalan ang labi ko e. Umalis ako sa ibabaw nya at tumayo. Inis akong tumingin sa kanya, nakita kong dumudugo ang labi nya, kulang pa yan. Sinampal ko sya ng malakas. “ perv3rt!”galit kong sigaw sa kanya.“ you stole my first kiss!”dagdag ko pa.

“ no, you stole my second kiss......”s-second k-kiss? Medyo nanikip ang dibdib ko nang marinig ko yon mula sa kanya. M-may first kiss na pala sya ha. “ again.”n-nagulat ulit ako sa sinabi nya.

“ a-again? W-what do you mean?”

“ I stole your first kiss before and now ikaw naman ang nagnakaw ng halik sa akin.”ngising saad nya.

“ ano?!”gulat kong tanong.

“ wala pa ding pinagbago ang labi mo, masarap pa din.”saad nya. Fvck you! “ ako sana ang hahalik sayo pero ikaw ang humalik sa akin, sinabi mo pa nga noon noong hinatid kita, narinig kong gusto mo akong halikan kita sa labi mo dahil ayaw mong sa noo e.”bigla nyang hinapit ang bewang ko at dinampian ng halik ang labi ko tsaka mabilis itong tumakbo.

“ ASHER!!!!!”bw*set! Nakadalawa na yon ha! Hindi, nakatatlo na sya! T*ngina! Pvt*ngina!

Hinampas hampas ko ang dibdib ko dahil kanina pa malakas ang tibok. Huwag ka ngang kiligin! Pero hindi ko mapigilan na mapangiti.

“ aray!”daing ko, hanep na yan ang sakit ko palang sumampal. Sinampal ko ulit ang pisnge ko pero mahina lang, masakit e. Bw*set! Bakit ba hindi ko maiwasan na mapangiti?! Ayon hindi ko talaga mapigilan na hindi ngumiti kaya hinayaan ko na lang, mahirap kalaban si self ha.

In fairness ang tamis ng labi—nvm!

END OF FLASH BACK

Sana maulit ulit, ehe jok! Lakas nanaman ng tibok ng puso ko ha? Kapag ikaw hindi tumigil dyan, dudukutin talaga kita de jok!

“ kapatid ko ba ang iniisip mo?”natauhan ako sa tanong ni ate.

“ ngingiti ngiti ka dyan ha.”ngumiti si Xylene na may halong pang-aasar.

“ na fall kana talaga sa kanya?”tanong ni Zoey.

“ hindi naman mahirap mahalin si Asher, Sky e. Hindi kana nya ulit lolokohin, hindi nya sasayangin ang pangalawang pagkakataon na ibinigay mo sa kanya.”hindi ko naman sya binigyan ng isang change Samuel e.

“ Sky please? Try to love him back?”

“ ate naiintindihan po kita, nasasabi mo po yan dahil ayaw mo pong masaktan si Asher pero masasaktan ko pa din po si Tristan.”malungkot kong sambit.

“ diretsohin mo na sya Sky, kong papatagalin mo pa mas lalo lang syang masasaktan.”tinanguhan ko na lang si Xylene. Di pa ako ready makasakit ng tao e, pero tama sila mas masasaktan ko lang si Tristan kong hindi ko pa sya didiretsohin.

Renz POV...

“ nakakalungkot pala kapag walang kasama. Karen nasaan kana ba? Miss na miss na kita.”hanggang ngayon wala pa din si Karen?

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinakpan ang mga mata nya. “ ano ba?!”pilit nyang inaalis ang kamay ko sa mga mata nya.

Itinapat ko ang bibig ko sa tenga nya. “ it's me.”mahinang usal ko at tinanggal ko na ang kamay ko sa mga mata nya tsaka naupo dito sa tabi nya.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now