Sky POV...
“ papasok?”nakabusangot kong tanong.
“ nako! Sky, tinatamad ka bang pumasok?”dahan dahan akong tumango. Pinitik ni Xylene ang noo ko. “ bahala ka kong ayaw mo. Basta ako sasama, sasama din daw si Tristan at Zoey.”psh!
“ oo na, papasok na ako.”walang gana kong saad.
“ tapos na ba kayong dalawa dyan?!”sigaw ni Mom mula sa labas ng pinto. Kaya dinalian ko na sa pagtupi ng damit ko.
“ patapos na po Mom!”sigaw pabalik ni Xylene.
“ ok, hihintayin ko na kayo sa baba.”oo, itong tinutuluyan namin, bahay nila Mom.
Samuel POV...
KINAGABIHAN, nanonood pa din ako ng tv hanggang ngayon. Boring e, di naman tumawag si Renz, miss ko ng mag bar.
“ hayts! Maghapon ka ng nanonood ng TV dyan Samuel.”mag uumpisa nanaman si Mom.
“ hayaan mo na ang anak natin dyan, pagod yan sa pag-aaral nya.”saad ni Dad.
“ kong pagod yan edi sana nasa kwarto nya sya natutulog.”nagsusungit nanaman si Mom.
“ hayts! Tara na nga sa kusina, magluluto pa tayo.”saad ni Dad. Tinignan ko sila papaalis. Mom, talaga hilig na sermonan ako.
*/cring........cring.........cring
Tinignan ko ang cp ko. Napangiti ako dahil si Farrah ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag.
“ why?”
[sunduin mo ko dito sa *****.]
Anong ginagawa nya sa lugar na yon?
“ gabi na bakit nandyan ka?”
[hihintayin kita dito.]
Inend nya na ang call. Simpleng taong lang di nya pa nagawang sagutin, tsss!
Tumayo ako, ini-off ko muna ang tv bago nagtungo sa kwarto ko at nagbihis.
_____“ Mom, Dad may pupuntahan po ako!”sigaw ko at lumabas na. Hindi kasi ako papayagan ni Mom kapag sa harap nya mismo ako magpapaalam. Ewan ko ba don kay Mom, di naman ako babae na mararape dyan sa kalye e.
TIME SKIP
Nang makarating na ako sa lugar kong nasaan si Farrah agad ko hinanap ng mga mata ko kong nasaan sya. “ hey Samuel! I'm here!”tinignan ko yong sumigaw, si Farrah. Nilapitan ko sya.
“ tsk! Bakit ganyan suot mo? Gabi pa man din.”malamig kong saad.
“ actually, pumasyal ako sa dating pinapasyalan namin ni Mom noon, and tumambay na din ako dito hanggang sa gumabi na.”
“ madami ka namang damit na pwede mong suotin, bakit yan pa?”naka bowknot slim dress sya yong hanggang hita lang at kita pa ang dalawang balikat nya.
“ edi sana, sinabihan mo akong huwag ganito ang suotin.”nakanguso nyang saad. Malay ko bang aalis ito sa kanila.
“ let's go.”hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya.
Pinagbuksan ko sya ng pinto at pumasok sya, umikot ako at naupo sa driver seat, magka tabi lang kaming dalawa. “ ihahatid na kita sa inyo.”
“ no Samuel.”
“ bakit hindi?”takang tanong ko sa kanya.
“ basta ayokong umuwi, deretso tayo sa bar.”bar? Ngayon nya pa talagang naisipang mag bar? Paano na lang kong malate sya ng gising bukas? Camping pa naman bukas.
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...