chapter three

189 2 0
                                    

Tristan Laverne POV...

“ alam niyo guys, hindi nagsinungaling itong si Samuel.”ano naman kaya ang sasabihin nitong si Renz.

“ why?”tanong ni Kurt.

“ kasi ang ganda ganda noong babae kahapon sa cafeteria, nakabanggaan ko sya kahapon, mas lalo syang maganda kapag nasa malapitan at kapag ngumingiti sya.”nakangiting saad ni Renz. Lahat naman sa paningin nya magaganda. Tinignan ko si Samuel na tulala nanaman habang naglalakad kami.

“ Samuel.”tinapik ko ang balikat nya kaya napatingin sya sa akin. “ pansin ko lang kanina kapa hindi kumikibo.”dagdag ko pa.

“ eh pano kasi iniisip ko yong nangyari kanina.”

“ ano bang nangyari kanina?”tanong ni Kurt.

“ si Mommy kasi piningot na nga yong tenga ko tapos pinalo pa ako sa pwet ko.”mahina kaming napatawa sa sinabi ni Samuel.

“ di na bago sa amin yan.”natatawang saad ni Renz.

“ pres, bawalan mo nga yang tatlong yan, tinatawanan nila ako ibig sabihin child abuse.”mas lalo kaming napatawa sa sinabi ulit ni Samuel. C-child abuse daw?

“ tss, dyan na nga kayo ang tagal tagal nyong maglakad para kayong mga pagong.”seryosong saad ni Samuel at nauna na.

Zoey Kravitz POV...

“ tara na sa cafeteria.”pag-aaya ni Sky sa akin, pinigilan ko naman sya.

“ hindi mo na kailangang bumili pa sa cafeteria.”taka naman syang tumingin sa akin.

“ bakit? Binilhan mo na ba ako ng pagkain ko.”hindi mapakaling tanong nya.

“ hindi kita binilhan noh. Nagbaon ako ng pagkain natin.”natuwa sya ng sabihin ko yon.

“ really?”

“ hm.”

“ sige tara na kumain.”saad nya at kumapit sa braso ko tsaka kami naglakad. “ sa rooftop.”nahinto ako ng sabihin iyon ni Sky.

“ bakit sa rooftop? Kong pwede namang sa iba na lang?”

“ Basta tara na.”saad nya at hinila ako. Hindi ko pa toh kaibigan pero close kami agad?

TIME SKIP

“ ano tatayo ka lang ba dyan? Di mo ba ako sasabayang kumain dito?”

“ dito na kasi tayo, huwag na dyan mamaya mahulog pa ako dyan.”iritang saad ko.

“ hmf bahala ka dyan, nasa akin itong pagkain mo kaya ikaw, kong sasamahan mo ako dito ibibigay ko ito sayo at kakain kana din.”grabi naman itong babae na ito, naupo ba naman sa gilid gilid nitong rooftop. Di ba sya natatakot na baka mamaya mahulog pa sya. Nakakalula kaya kapag nakita ko yong nasa baba dito sa rooftop. Ang taas taas nitong rooftop tapos di sya natatakot.

“ Sky bumaba kana kasi dyan.”medyo mataas ang pinag uupuan nya, kaya nakatingala akong kinakausap sya.

“ pupunta kaba dito o uubusin ko na itong uulamin mo.”ano ba yan. Di naman pwedeng hindi ako kumain baka magkasakit ako. Wala din naman akong pera para bumili sa cafeteria, kaya.....susundin ko na nga si Sky mapilit e.

“ oo na.”inis akong umakyat sa hagdan. Napapikit ako ng makita ko ang nasa ibaba.

“ sige pumikit ka pa baka mahulog ka.”hayts! Iminulat ko ang mata ko at gumapang palapit kay Sky.

“ p-paano ako uupo?”tanong ko.

“ edi ganito sa upo ko.”masama akong tumingin sa kanya. “ don't worry hindi naman nakakatakot, hindi ka din mahuhulog kong hindi ka magulo.”tumingin ako ulit sa baba.

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now