Asher POV...
“ Sky, listen to me, please?”i said. Binawi nya ang kamay nya sa pagkakahawak ko.
“ sino ka ba para pakinggan ko? Hindi naman kita kilala. Wala na akong pake-alam sa mga memories ko na hindi ko na maalala, hinihiling ko nga na sana huwag ng bumalik ang memories dahil pakiramdam ko masasaktan lang ako kapag naalala ko ang mga yon. Pero kong bumalik man ang iba kong ala-ala sana hindi ka kasama doon, kasi obvious naman na sinaktan mo ako, right? Kahit nakalimutan ko yon, nahahalata ko sayo na minsan mo na akong sinaktan, hindi ba sabi nila girlfriend mo ako pero si Yesha naman na ang kasama mo? Doon pa lang mahahalata ko na. KAYA NGA SANA HINDI NA KITA MAALALA PA ASHER, baka madurog ang puso ko sayo.”nasaktan ako sa sinabi nya pero hindi ko pinapahalata. Hindi ko alam kong bakit ba ako nasaktan sa sinabi nya, e tungkol sa memories nya lang yon, nasaktan ako sa sinabi nyang ' kaya nga sana hindi na kita maalala pa Asher ’ang katagang yan.
Talaga bang ayaw nya na akong maalala pa? Pakiramdam ko nalulungkot ako sa mga sinabi nya. Argh! Nevermind!
“ Sky p—”hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang syang tumakbo.
“ blah! blah! blah! Ayokong marinig ang mga sinasabi mo! blah! blah!”tumakbo ito. Napasapo na lamang ako sa noo ko.
Medyo makulit sya ha. “ AHHHHH!”
“ Sky!”sigaw ko at sinundan kong saan sya tumakbo. Nadatnan ko syang nahulog sa nahukay na lupa pero hindi naman ito ganoon kalalim. Tinulungan ko syang tumayo dahil nakahiga sya.
“ ah!”daing nya habang nakahawak sa balakang nya. Nasaktan sya?
“ are you ok?”tanong ko sa kanya na may halong pag-aalala, umiling lang sya.
“ hayts! Don't do this again, ok?”tumango sya. Tumalikod ako sa kanya at umupo. “ sumakay kana, papasanin kita. Alam kong sobrang sakit ang nararamdaman mo, kaya hindi ka makakalakad nyan.”segundo ang lumipas pero hindi pa din sya sumasakay sa likod ko. Yong bag ko sa harapan ko na lang isinuot nasa loob din ang first aid kit.
Magsasalita na sana ako pero sumakay na sya, humawak ako sa binti nya at tumayo na. “ nasaan na ang mapa?”ibinigay nya sa akin ang mapa. Naglakad na ako.
Ramdam ko na sumandal ito sa balikat ko, ramdam ko din ang mainit nyang hininga. “ anong kapalit nito?”she asked.
“ kakausapin kita at makikinig ka sa akin.”
“ makikinig ako sayo? Naalala mo naman siguro ang sinabi ko sayo kanina? Please lang, huwag mo ng sasabihin o ikukuwento ang mga nakaraan ko. Gaya ng sinabi ko kanina, wala na akong pake doon, bubuo na lang ulit ako ng bago kong memorya.”talaga? Hahayaan nya na lang bang makalimutan ako? But it's ok, hindi din naman kami ayos kapag naalala nya ang mga ginawa ko sa kanya. “ ano ba talagang dahilan kong bakit mo ako gustong gustong nakausap?”dagdag pa nya.
“ gusto ko lang humingi ng tawad sayo, kahit na hindi mo alam kong anong dahilan.”
“ niloko mo ako, right? Yon ang dahilan kong bakit ka humihingi ng tawad sa akin hindi ba? Sabi kasi ng iba girlfriend mo ako tapos ang kasama mo naman si Yesha, siguro niloko mo ako dati diba?”kailan pa sya naging matalino tungkol sa mga bagay na ito?
“ I'm sorry.”
“ apologize accepted.”natigil ako sa sinabi nya. Bakit ganon na lang kadali sa kanyang patawarin ako? Kong hindi nya naman alam ang buong kwento. “ kaya kita pinatawad dahil wala na akong pake sa ginawa mo sa akin noon, mahal kita dati pero ngayon hindi na. I don't love you anymore.”
‘ I don't love you anymore. ’
‘ I don't love you anymore. ’
‘ I don't love you anymore. ’
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...