Zoey Kravitz POV...
“ anak may bisita ka.”napatingin ako kay mama ng sabihin nya yon.
“ sino po ma?”tanong ko at bumangon, isinandal ko ang ulo ko sa headboard. Pumasok si Renz. Ano naman kayang ginagawa ng tukmol na ito dito sa bahay?
“ hi Zoey.”saad nya at kumaway pa.
“ maiiwan muna namin kayo anak ha.”saad ni papa.
“ sige po pa.”turan ko at lumabas na sila ni mama. Sinarado ni Renz ang pinto at naglakad palapit sa akin.
“ o bat nandito ka tukmol?”
“ hanggang ngayon ba tukmol pa din ang tawag mo sa akin?”inirapan ko lang sya. “ sya nga pala heto prutas.”inilapag nya ang dala nyang prutas sa drawer ko at naupo sya sa sofa.
Kumuha ako ng isang orange sa paper bag at binalatan ko iyon.
“ ano ngang ginagawa mo dito?”pag uulit ko ng tanong at sinubo ang isang pirasong orange.
“ nasabi sa akin ni Sky kanina na masama ang pakiramdam mo kaya nagpunta ako dito.”sagot nya. “ ang prutas na yan ay gal—”mabilis kong iniluwa ang orange na kinakain ko.
“ hindi masarap, sayo na lang o.”saad ko at hinagis ko sa kanya yoon na sinalo nya naman.
“ kidding. Ako ang bumili neto. Ok sa akin na lang ito.”saad nya at kinain ang orange. Gag0 din ang tukmol na ito eh. Masarap naman kasi yong orange eh, yong kinain ko lang tagala ang pangit ang lasa kasi sa sinabi nya sa akin kanina na hindi nya naituloy. Kukuha ulit sana ako ng prutas ng tinaasan nya ako ng kilay. “ diba sabi mo hindi masarap? Itong kinakain ko tsaka yang nandyan sa paper bag ay iisa lang din, baka hindi din yan masarap masasayang mo lang.”saad nya. Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at binato sa kanya ngunit nasalo nya yong unan.
“ tsk, iba iba kaya ang lasa ng orange duh.”mataray kong saad at kumuha ng orange.
“ o ito na lang mas masarap pa ito.”ibinigay nya sa akin ang orange pero tinignan ko lang sya.
“ sayo na yan nakain mo na e.”turan ko at binalatan ang orange.
“ may sasabihin nga pala ako sayo.”
“ ano? Sabihin mo na.”
“ Si Sky.”napatingin ako sa kanya nang banggitin nya ang pangalan ni Sky. Tinaas ko ang kilay ko nagpapahiwatig na nagtatanong ako. “ girlfriend na sya ni Asher.”
“ */cough t-tubig.”mabilis na tumayo si Renz at naglagay ng tubig sa baso at ibinigay sa akin. Kinuha ko yon at ininom ang tubig.
“ ayos kana?”tanong nya.
“ paki-ulit yong sinabi mo kanina.”inilagay ko ang baso sa drawer.
“ si Sky at Asher ay mag bf na at gf.”
“ kalokohan Renz. Huwag kang magbiro ng ganyan.”may kong anong hinalikot sya sa cp nya. Tumayo sya at ipinakita sa akin ang cp nya.
“ Hell!”sigaw ko ng makita kong magka halikan si Asher at Sky. Tatayo na sana ako ng sumakit ang ulo ko. “ Kong hindi lang masakit ang ulo ko Asher mabubogbog na kita.”diin kong saad. Alam kong kagaya lang din ni Asher ang mga kaibigan nya na play boy.
“ are you ok?”tanong ni Renz. Matalim akong tumingin sa kanya.
“ GET OUT!!”bulyaw ko sa kanya dahilan para magulat sya. “ alis!”bulyaw ko ulit sa kanya kaya kumaripas sya ng takbo.
Woah! Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot nanaman. Humiga ako at iniisip kong bakit naging sila. Kailangan kong mag pagaling para makapasok ako bukas.
KINABUKASAN
YOU ARE READING
Deal With A Ssg President
Teen FictionIn the accident between mother and son, the mother died and the boy was saved by a girl. A few years passed, the man's name was Asher, during his studies at their own university he knew the transferre Sky, a lot happened to the two of them, but in t...