chapter thirty two

59 0 0
                                    

Sky POV...

(the call still continues)

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para mapigilan ko ang umiyak. Damn! Plano nya ba ito?! He's an evil! Siguro kinulang pa ang sakit na nararamdaman ko kanina kaya ngayon dinagdagan nya pa. Halos hindi na ako makahinga sa paninikip ng dibdib ko.

[I've been using you since the beginning Sky, do you remember the day I dropped the bracelet I was holding because of you? I made a deal with you, I also thought of making it real so that you would like me. I plan to make you fall in love Sky and now I know you like me, so....I'll breaking up with you.]

Hindi ko na kinayang marinig pa ang sinasabi nya kaya pinatay ko na ang tawag at napaluha. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko. Napansin kong lumiwanag sa harap ko kaya dahan dahan kong inalis ang palad ko sa mukha ko. Pilit akong ngumiti dahil may kotseng paparating. Palapit ito ng palapit sa akin, unti unti na rin nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha kong umaagos. Ipinikit ko ang aking mata at hinihintay na masagasaan ako ng kotse. Kahit na gustuhin kong umalis dito sa kinatatayuan ko ay hindi ko magawa dahil para akong napako dito sa gitna ng daan, nanghihina na din ang aking tuhod—

*/BLAGSH!

Nagtagumpay nga ang kotse, nabundol ako at ngayo'y nakahiga na dito sa gitna ng kalsada. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko, at may nakita akong isang lalaki na kalalabas lang mula sa kotse, hindi ko ito gaanong makita dahil malabo ang paningin ko. “ Success!”he said and laugh. S-sino sya? Plinano na rin bang pat*yin ako? Lahat na lang ba plano nila para tuluyan akong madurog at masaktan? Ngayon na nakahiga na ako ngayon sa gitna ng kalsada, siguro ito na ang huling araw ko dito sa mundong ito na puno ng hinanakit sa akin. Sana maging masaya na si Yesha at masosolo nya ni si Asher, ang lalaking dumurog ng puso ko, ang unang lalaking minahal ko pero pinaglaruan lang pala ako, ganon ako ka-t*nga e. Mabilis akong mapaikot ng isang tao, katuwa tuwa nga at ipinanganak ako sa mundong ito para makaramdam ng masasakit na salita at kong ano pa man. Isinilang lang ba ako sa mundong ito para saktan? Para makarinig ng masasakit na salita? Para paglaruan? Para mam*tay? Gusto ko pang lumaban e! Pero ngayong araw na ito sunod sunod ang pananakit nila sa akin hanggang sa tuluyan na akong madurog. Ayoko pang matapos ang buhay ko dito pero wala na akong magagawa dahil wala rin namang tutulong sa akin dito. Di rin naman ako isinilang dito para tulungan ng mga tao at mahalin. Sobrang napakalupit ng mundo sa akin, bakit kaya? Tao lang din naman ako na nasasaktan, pero bakit hindi nila malaman yon? Tao din sila kaya dapat alam nila ang nararamdaman ko! HAHA sino nga ba sila para malaman nila ang nararamdaman ko? Wala pala silang paki-alam sa akin. Ridiculous! But I'll understand them, I'll always understand them kahit na ilang beses nila akong durugin. Bago ako tuluyang pumikit ay narinig ko pa ang tunog ng kotse papalayo sa akin.

‘ sana hindi na ako magising pa, gusto ko ng matapos ang buhay ko dito. ’saad ko sa isipan bago mawalan ng malay.

Tristan POV...

Habang nagmamaneho ako sa daan may nakita akong babae na nakatayo sa gitna ng daan, binusinahan ko ito kaya humarap sya. Ilang beses ko pa din itong binusinahan pero nakatayo lang sya doon. Napasabunot ako sa buhok ko sa inis. “ h*ll! Nagmamadali ako pero haharang ang isang ito sa daan!”gusto kong puntahan si Sky dahil hindi namin sya nakita kanina, inakala na lang namin na umuwi na sya kaya pupuntan ko sya ngayon para masigurado kong nakauwi na sya. Hindi ko kasi alam yong number nya. Hindi din naman sya active kaya hindi ko sya maichat. Natauhan ako sa narinig kong kumatok mula sa bintana. Yong babaeng naka harang kanina. Inis kong binuksan ang bintana at masamang tumingin sa kanya, tinaasan lang ako nito ng kilay na mas lalong ikinainis ko.

“ hey you! Bakit ganyan ka makatingin sa akin?”mataray nitong tanong. Isasara ko na sana ang bintana ng pigilan nya ako. “ pasakay ako, babayaran kita kahit ilan basta pasakayin mo lang ako. Wala na kasing dumadaan na taxi or kahit anong sasakayan dito liban sayo.”

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now