Nasa kuwarto ako na nakadapa rito sa aking kama habang ginagawa ang PowerPoint sa Applied Tools. Baka kasi by tuesday ay reporting na namin. After nitong PowerPoint ay aasikasuhin ko naman ang Marketing Plan namin. Ipapasa na rin kasi by Tuesday ang chapter 3. Sinabi kasi ni Shane kanina sa akin na i-assign ko na raw ang gagawin ng bawat isa kaya mamaya ko na gagawin. Next week naman ay magre-report kami sa Contemporary World. Isama mo pa na next friday ay magpe-perform kami ng Cariñosa sa PE.
Well next week ay hell week na namin. Kakatapos lang ng midterm n'ong Monday at Tuesday. At ito ako, imbis na nagre-recover pa. Ito ako, nakaharap sa laptop. Lagpas 12 na ng tanghali at nagugutom na ako. Pero gusto ko na munang tapusin 'to bago kumain para deserve na deserve ko talaga.
Habang gumagawa ako sa laptop ay biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag sa messenger. Dahil sa ingay niyon ay kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang video call nang hindi tinitingnan ang caller dahil nga gusto ko ng matapos ang PowerPoint.
(Sophia...) Nang marinig ko ang boses na iyon ay kunot-noo akong tiningnan ang lalaking nasa screen ng cellphone ko.
Problema nito?
(Wala kaming pasok. Tara gala.)
"Boring na boring ka ba ngayon?", narinig ko siyang tumawa. Pagtapos kong i-save ang PowerPoint ay shinut down ko na ang laptop at humarap kay Andrew.
(Tara, SM Marilao)
"Ano namang gagawin sa SM? Ngayon na ba?"
(Guguluhin 'yong SM) sabay kaming nagtawanan.
"Hindi pa ako nakaka-ligo eh. Tinapos ko pa kasi yong PowerPoint."
(That's better. Deserve mo gumala.)
"Sige. Pero SM Marilao? Napuntahan na natin yan noong New Year eh. Wala na bang iba?", tanong ko.
(So, saan tayo pupunta?)
"What if Manila Zoo tayo, Tatay?", natawa siya.
"Ano? G?"
(Akala ko sa April pa tayo pupunta doon?)
"Nabo-boringan ka diba? Let's go kahit na ang dami pa naming gagawin." Lalo siyang natawa.
(Tama 'yan, Sophia. Maligo ka na. Maliligo na rin ako.) Natawa ako.
"Wala akong isusuot." Dagdag ko.
('Yon ba? Siyempre, maghanap ka.) Sabay kaming nagtawanan.
Pinatay ko na ang tawag. Dumiretso naman ako sa CR para maligo. Mamaya na lang ako maghahanap ng masusuot. Madali lang naman maghanap. Sana.
Isang color rust na long sleeves bow ribbon top. Black fiitted lace up skirt na pinartneran ko ng white snickers.
Hindi na ako kumain ng lunch dahil nagmamadali na ako. Kumuha na lang ako ng dalawang chicken sandwich, tag-isa kami ni Andrew dahil for sure, hindi rin kumain iyon. Nagpaalam na ako kay Mama. Hindi na nagtanong si Mama kung saan ako pupunta, basta huwag lang daw ako magpapa-gabi. Bago pa ako maka-alis ay nanghingi na lang muna ako ng barya dahil 1000 peso bill ang laman ng wallet ko. Alangan namang 1000 ang ibayad ko sa dyip tapos ako lang mag-isa diba? Baka bigla na lang akong pababain sa dyip.
"Oh." Sabay abot ko ng chicken sandwich kay Andrew.
"Ui, thank you." Saka niya kinain iyon. Napahinto siya sa pag-nguya dahil nakatingin lang ako sa kaniya. "Gusto mo?"
"Tapos na ako. "
Niloadan ni Andrew ang dalawang beep card saka tinap sa machine at sumakay sa tren.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
