"Tayo na lang kaya?"
"Ano gusto mong tawagan?"
"Hoy na lang." Sagot ko.
"Sige." Saka kami nagtawanan.
What the fuck is that?!
Panaginip na naman? Na kasama siya? Na kasama si Andrew?
Bakit? Para saan?
Anong ibig sabihin niya n'on? Na kami na lang?
What the hell is that?!
Bakit ganoon ang panaginip ko? Bakit kasama si Andrew? Bakit din ganoon ang itinanong niya sa akin?
What is the meaning of that?
Bumangon na lamang ako at nagtungo sa CR upang maligo.
May pasok na ulit. Tapos na ang Christmas vacation kaya ayon may pasok na ulit. Start na ng 2nd sem at ngayon ang first day. 2PM pa ang class namin mamaya pero 10 AM pa lang ngayon at ito ako, maliligo na. Maybe 12 ay aalis na rin ako. Baka ma-traffic eh.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako. Bumaba na ako ng kuwarto dala ang medium sized kong backpack na may lamang papel, isang notebook, dalawang ballpen, isang black at isang red. Tapos siyempre suklay, pabango at wallet.
Nadatnan ko si Chloe, isa sa pamangkin ko sa kusina, kumakain ng kanin at hotdog. At dahil hinandaan niya na ako ay umupo na ako at nagsimulang kumain.
Tahimik lang kaming kumain na dalawa.
Pero habang kumakain kaming dalawa ay pakiramdam ko ay sobrang tahimik.
Si Mama kasi ay pagkatapos ng New Year ay pumunta kaagad sa Bataan. Nagpagawa kasi si Auntie, kapatid ni Mama ng bahay doon. Dahil nasa US si Auntie ay si Mama na lang muna ang pinag-bantay doon.
Kaya ayon, medyo malungkot.
Hinatid ko pa si Mama sa terminal at sinabi pa niya na huwag na raw akong umiyak dahil puwede naman akong pumunta doon anytime.
Tumango lang ako n'on dahil wala na akong masabi doon, dahil hindi ko kayang bumyahe mag-isa papunta doon. Baka mamaya may biglang humila sa akin eh. Iyak talaga ako n'on.
🌹 🌹 🌹
Andrew: Puntahan mo 'ko sa labas ng university niyo
Sophia: I'm here
Si-neen niya ang chat ko pero hindi niya na ako nireplyan. Kaya ayon nakatayo lang ako rito malapit sa gate ng university namin.
Saturday pa lang ng gabi ay nag-chat sa akin si Andrew na kung busy daw ba ako ng monday, which is ngayon. May ibibigay daw kasi siya. Tinanong ko pa siya kung ano ang ibibigay niya, siyempre hindi niya sinabi dahil regalo niya raw sa akin. Umo-kay na lang ako doon dahil kahit anong pilit ko ay ayaw niya talaga sabihin kung ano ang ibibigay niya. Ngayon ko pa lang malalaman.
Sana ay hindi nakakamatay.
"Hoy!", napatingin ako sa nagsasalita sa kanan ko at nakita si Andrew na pawis na pawis, si Mike at Nigel na hingal na hingal. Tinaasan ko na lang sila ng kilay dahil parang galing lang sila sa pagtakbo.
"Ito oh." Saka inabot sa akin ni Andrew ang isang maliit na paper bag. Nang tingnan ko ay lumaki ang mata ko dahil Victoria Secret ang nakasulat.
"Hala! Bakit Victoria Secret?!", gulat kong tanong.
"Ay, ayaw mo?", tanong ni Andrew kaya natawa akong tiningnan siya.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
