"Where did we go wrong? Why did we didn't end up being together?"
Paulit-ulit na nage-echo ang mga katagang iyan sa utak ko.
12 midnight na ngayon. Nagising ako dahil napanaginipan ko si Matthew.
Nandito ako ngayon sa kusina, umiinom ng gatas para makatulog ulit. Pero hindi ako madapuan ng antok dahil sa paulit-ulit na boses ang naririnig ko kay Matthew.
Ayoko mang umasa ay baka naiisip niya ako kaya nandoon siya sa panaginip ko. Pero bakit iyon ang itatamong niya? Hindi pa ba siya nakaka-move on after 4 years? Haay.
Nang maubos ko ang gatas ay inilagay ko iyon sa lababo at umakyat na. Nahiga din naman ako at nag-kumot dahil malamig kahit hindi naka-on ang aircon. Kakatapos lang ng pasko last week at bukas na ang bisperas ng new year.
Unang pasko at unang bagong taon na hindi na kami ni Drixx. Nakakalungkot lang kasi, tatlong taon na magkasabay na sinalubong naming dalawa ni Drixx ang pasko at bagong taon. Pero may mga bagay nga yata na magbabago talaga, kahit ayaw mong mangyari.
Nakakalungkot pero alam kong masasanay din ako na wala na siya sa tabi ko simula ngayon.
At dahil sa mga pag-iisip na iyon ay nakatulog na ako.
"Kiss nga." Sabay pout ko at nakita ko siyang napangiti saka niya ako hinalikan.
Natawa ako at natawa siya habang magka-holding hands kaming naglalakad.
Napabangon ako sa kama ko at napakunot-noo dahil sa panaginip na iyon.
Bakit? Ano 'yon?
Bakit nandoon si Andrew? Anong ginagawa niya sa panaginip ko? Bakit siya nandoon?
At...
Bakit ko hinalikan si Andrew?
Bakit ko yon ginawa?
Pero bakit niya rin ako hinalikan?
Anong meron at bakit ganoon ang nasa panaginip ko?
Tumingin ako sa wall clock ko sa harap ko. Kumunot ang noo ko lalo dahil alas tres pa lang ng umaga. Napa-roll eyes na lang ako at humiga saka nag-hintay na matulog ulit.
Napangiti akong pumikit at tumalikod sa kaniya. Pumikit ako para matulog na.
Nakahiga kasi kaming dalawa at katabi ko si Andrew dito sa kama pero nakatalikod ako sa kaniya.
Pero maya-maya ay nagsalita siya.
"Usog ka rito." At umusog ako sa kaniya palapit at napayakap naman siya sa akin.
"Usog pa." Natatawa akong umusog sa kaniya dahil magkadikit na ang mga balat namin.
Hinigpitan niya rin ang yakap niya sa akin kaya pumikit akong may ngiti sa labi...
Napabangon na naman ako rito sa aking higaan at napatingin sa kawalan.
Another panaginip.
Na kasama na naman si Andrew.
Bakit ba nandoon na naman si Andrew sa panaginip ko?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
