Chapter 87

4 0 0
                                        

They say all's well that ends well
But I'm in the new hell everytime

Para sa akin ay parang ang bagal ng araw. Naka-lipas na ang buwan ng Pebrero na wala pa ring bago. Ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko. Boring? Maybe.

Naiisip ko pa rin si Drixx, hindi naman na siguro mawawala iyon eh. Nandito pa rin siya sa sistema ko.

May na-meet ako sa University na isang lalaki, masasabi kong attracted ako sa kaniya. Malaking tao, and what I mean is may kalakihan ang katawan niya. Might be a 5'10. Maputi, singkit at mabait. IT ang course niya, kaklase ni Ryle. Same kaming 2nd year.

Ayon nga lang, para siyang si Drixx. By the way he looks and talks ay parehong-pareho sila ni Drixx. Kaya ayon, umayaw ako sa kaniya dahi baka nakikita ko lang sa kaniya si Drixx kaya ako naa-attract sa kaniya.

Last week ng January ay inaya ako ni Amdrew na mamasyal kami sa Luneta at Intramuros, pumayag naman ako dahil hindi pa naman busy sa school. Noong nasa tren na kami ay sa sobrang dami naming kuwento ay imbis na sa United Nation kami bababa. Naging Pedro Gil na. Mabuti nga at malapit lang.

Habang naglalakad nga kami ay ang lalakas ng tawa namin dahil sa katangahan na ginawa naming dalawa.

Nag-stay kami sa Luneta hanggang gabi, gusto niya kasi makita 'yong malaking fountain sa gitna ng Luneta.

First week naman ng February ay nalaman ko mula kay Shane na nakasama ako sa ranking ng buong section. Nagulat pa nga ako dahil nakasama ako sa ranking. Hindi ko na tiningnan kung pang-ilan ako basta 1.50 ang average ko. I was like, paano ko nagawa iyon? Dahil alam ko sa sarili ko na nawala ako sa focus last year dahil sa break up namin ni Drixx.

I breakdown many times, aware sila Shane at siyempre na lugmok na lugmok ako because of what happened. But luckily, ay nakasama ako sa ranking. I don't care kung pang-ilan ako, basta kasama ako doon ay okay lang.

One thing is for sure, lituhin ka man ni Papa God, hinding-hindi ka niya papabayaan. And I'm thankful for that dahil hindi ako ni pinabayaan ni Papa God.

Nang malaman ko rin iyon, sinabi ko kay Mama iyon the same day nasa Bataan pa ngayon. At ayon masaya si Mama, pagbutihin ko pa raw sa susunod. Sinabi pa nga ni Mama na pumayat daw ako. Ewan. No comment.

And within the same day, sinabi rin ni Andrew na nakasama siya sa ranking ng section nila. Kaya nasabi ko rin sa kaniya na ganoon din ako. Kaya ayon, pareho kaming natawa. Dahil hindi naman namin expect na makakasama kami sa bagay na iyon. Nagbiro pa si Andrew kung ano raw ang sikreto para makasama sa ranking. Sumagot maman ako ng gala at inom lang hehehe.

Pagdating naman ng Valentine's Day ay nagpa-apoy kami ng kawali. Kasama kasi siya sa course namin. Kinagabihan naman n'on ay kumain kami ni Ryle at Shane sa Mang Inasal, bumili rin kami ng cake para sa aming tatlo.

Last week ng February ay may nag-message sa akin na kaklase ko noon. I mean kaklase namin ni Shane noong 3rd year high school. At first, kamustahan lang iyon. And then on the third day ay umamin siya na gusto niya ako. Gusto niya raw ako mula pa noong naging mag-kaklaae kami noong high school. Hindi niya lang daw masabi sa akin dahil ang sungit ko raw sa kaniya noon. Tinanong niya pa ako kung puwede ba siyang manligaw sa akin. At ako, hindi nakapag-reply sa chat na iyon.

Ni-restrict ko ang account niyang iyon at nag-offline.

Shit. Masama na ba ako sa part na iyon?

I know he's a good guy. Pero hindi ko talaga siya gusto. At isa pa, ayokong manloko ng tao. That's the least thing I can do in this world.

First Saturday naman ng March ay biglang aya ni Andrew na magpunta ulit ng Intramuros, hahanapin daw namin iyong Haze or Maze. Last na punta kasi namin doon ay hindi namin nahanap. Paano ba naman kasi, hindi nagtatanong si Andrew doon sa mga lalaking guard. Iyong mga naka-uniform kagaya n'ong mga sinuot ng mga sundalo sa movie na 'Heneral Luna.'

At dahil biglaan ang aya niya, natuloy kami.

"Pasok tayo sa museum." Sabi ko dahil naka-ilang balik na kami rito sa Luneta Park. Museum naman. Noong huli kasi naming punta doon ay sarado dahil Monday. Sarado raw kasi sila ng Monday.

Kaya lang...

"Ano pong gagawin niyo sa loob, Sir? Invited po ba kayo sa kasal?", tanong ng guard sa amin.

"Hindi po eh." Sagot ni Andrew.

"Close po 'yan, Sir. May kinakasal pa po kasi." Tumango kaming tatlo. Kaya ayon, umalis na rin kami.

"Dapat sinabi mo, invited tayo, Andrew." Saka kami sabay-sabay na nagtawanan.

Hinanap namin ang Jollibee dahil kakain daw kami. Mabuti naman. Kaya lang, kanina pa namin hinahanap iyon, pero mukhanh ayaw magpahanap ng Jollibee. Kaya ayon, nagtanong na lang ulit kami sa guard.

Tumawid kaming tatlo kaya hinawakan ni Andrew ang wrist ko. Tinanggal ko iyon, bago pa siya makapag-react ay hinakawan ko na ang braso niya saka tumawid.

"Kuya, puwede po magtanong?", tanong ni Andrew.

"Sige, ano yon? Huwag lang math." Sabay kaming nagtawanan.

"Nasaan po iyong Jollibee?"

"Kakain kayo?"

"Opo."

"Bakit 'yong isa niyong kasama, walang babae?", natawa na naman kaming tatlo.

"Magkakaibigan po kami." Depensa naman kaagad ni Andrew.

"Weh? Bakit magka-holding hands kayo?", sabay turo niya sa kamay ko sa braso ni Andrew.

Napabitaw naman kaagad ako. After ng pag-uusap ay hinanap namin ang Jollibee. Nagulat na lang ako nang maupo kami sa isang bench sa labas ng 7'eleven. Iyon pala, tatambay lang muna kami.

Ang lakas ng sapak nila 'no?

Second week naman ng March, which is March 8 ay birthday ni Drixx. Haays. Parang last year lang ay ako pa ang kasama ni Drixx, tapos ngayon ay hindi na. Iba na.

Kinabukasan naman ay sinurprise kami ni Mama. Umuwi lang naman siya ng walang pasabi. Surprise nga diba? Kasama ni Mama si Uncle, at iyong iba na gumagawa rin ng bahay.

Ang saya namin n'on lahat sa bahay. Nag-stay nga rin sila kuya sa bahay kaya naging maingay na ulit ang bahay. Taliwas sa sobrang tahimik noon dahil ako lang mag-isa.

May dala silang cake, mangga at buko pie at iba pang mga pasalubong.

Natawa pa nga si Mama dahil nakita niyang walang laman ang refrigerator kundi puro tubig.

Sorry naman diba? Lagi akong pumapasok. Wala ng time para mag-grocery. Kaya pagdating ng linggo ay nag-grocery kami ni Mama. Kaya daw pala ang payat-payat ko dahil wala na akong makain.

Nasa counter kami namg may itanong si Mama sa akin. Hindi ko rin inaasahan na masasagot ko iyon.

"Nag-uusap pa kayo ni Drixx?"

"Hindi na po, 'Ma."

"Kailan pa?"

"Matagal na po 'Ma."

"Ahh, hayaan mo na siya. Hindi siya kawala sa'yo, Sophia."

I just fake my smile for tears not to fall.

I'm tired of crying. I don't want to live in this pain anymore.



I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now